Nag-unahang nanginig ang mga tuhod ko. Pati ang puso ko ayaw paawat sa pagkabog. Pakiramdam ko nakagawa ako ng kasalanan.
Gusto kong tumakbo palayo pero pinigilan ko ang sarili ko.
I brought this upon myself. I must face the consequences.
Hindi dapat ako maduwag dahil hindi ko ugali 'yon. Kailangan kong tatagan ang sarili ko at ayusin ang nagawa ko.
Pinilit kong harapin ng maayos ang magandang babae na tinititigan ako mula ulo hanggang paa. Nakaupo siya sa kama at nakasandal ang likod niya sa headboard. Nababalutan ng makapal na kumot ang kalahati ng katawan niya pero kita ko ang magandang pantulog niya na may kakaibang desinyo mula sa collar hanggang sa may bewang.
Hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng mukha niya. She is somehow amuse at hindi ko alam kung bakit.
Sobrang dami ng tanong ang bumabagabag sa isip ko at lahat ng ito ay mas lalong ginulo ang puso ko.
Sino ba sya?
Bakit siya tinatago ni Sin?
Bakit siya laging binibisita nito?
Bakit ang ganda niya? She looks so surreal.
Kasintahan ba niya ito?
O baka naman mate niya?
Siya ba? Siya ba ang sinasabi ni Lea na hinihintay ng kaharian?
Sa pagkakaalala ko, sinabi sa akin ni Lea noon na hinihintay ng kaharian ang Reyna nito para lubusan itong gumaling. Hindi ko siya lubusang maintindihan. Bakit kailangan gumaling ang kaharian? May problema ba? Ang alam ko may shortage ng supply ng pagkain ngayon pero bakit kailangan nila ng reyna para masolusyonan ito? Hindi ba nila kayang ayusin ito ng sila lang? Kailangan talaga hintayin muna ang Reyna bago sila gumalaw?
"Sino sila?"
Malumanay ngunit pormal niyang tanong.
Pati tinig niya at paggalaw sinasabing maharlika siya. Walang duda na pinalaki siya sa marangyang pamumuhay. She looks and moves so elegantly.
Siya ba? Siya ba ang Reyna ni Sin?
Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagkunot ng noo niya na para bang pinag-aaralan ako.
Sinubukan kong magsalita pero walang tinig na lumabas sa bibig ko.
Magmate ba sila?
Wala akong kaalam-alam sa mate na laging binabahagi sa akin ni Lea. Ang alam ko lang, soulmate yon, ganon. Mga taong tinadhana sa isa't isa at walang makakabuwag sa kanila. Sila yong mga may forever.
Kahit wala namang forever.
"Miss?"
Pilit niyang iwinawagayway ang kamay niya para mahuli ang atensyon ko pero kapansin-pansin ang panghihina niya. Gayon pa man, hindi pa rin maalis ang gracefulness sa kanyang bawat galaw.
Kung mate nga niya ito, bagay sila. Eh di sila na. Magsama sila at magpakasaya sa forever nila!
Malakas kong kinagat ang dila ko ng mapansin ko ang takbo ng isip ko. Binitawan ko lang ito ng malasahan ko ang sariling dugo.
Bakit parang ang bitter ng boses na nasa loob ng utak ko? Ano bang problema at bakit parang ang sama ng pakiramdam ko?
Ano bang nangyayari sakin? Hindi naman ako ganito!
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)
FantasySuddenly sold to slavery in a foreign, magical place she never knew existed, can Rose go back home before the approaching war comes or would she die trying? ~ All Rose wanted was a normal and happy life. Bata pa lang, wala na siyang magulang ngunit...