Rose's P.O.V.
Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkabagok ng ulo ko kaya ako nagkaroon ng lakas ng loob na insultuhin at sabihan ng ganon ang lalaking nabunggo ko kanina.
Maybe it was the stress coping up with me after days of isolation with the monsters kaya ako nagkakaganito. Hindi ko man lang naisip na baka isa sila sa mga kumuha sa akin at pwede nila akong mahuli. Siguro dahil hindi ko nakita ang mukha niya dahil sa suot niyang balabal kaya rin ako nagkaroon ng lakas ng loob. Pansin kong nawawala ang takot ko at bumabalik ang tapang ko kapag hindi ko nakikita ang kakaiba nilang hitsura.
My mind is in chaos and it's not working properly at the moment. Hindi ko man lang naiisip ang mga pwedeng mangyari bago ako tumalon. Sa sobrang taas ng bintana, I could have died! Buti na lang nahagip ng kamay ko ang isang lubid at the last minute ng pagtalon ko.
"Ayon siya!"
Shit!
Hinihingal na tumakbo ako at naghanap ng mapagtataguan ngunit bago pa ako makahanap ng daan palabas, naabutan na ako ng isang lalaking may pakpak na katulad ng isang agila.
Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako sa ere ngunit nagpumiglas ako.
"Bitawan mo ako! Bitiw!" Pilit kong kinuha pabalik ang braso ko pero malakas siya. Kinagat ko ang kamay niyang may hawak sa akin dahilan para mabitawan niya ako and I ended up falling on the ground.
Pakiramdam ko nawalan ng hangin ang lungs ko. Hindi agad ako nakagalaw kaya naabutan ako ng mga lalaking humahabol sa akin.
One of them give me a good kick on the stomach kaya napaubo ako ng malakas. Para akong masusuka dahil sa sipa na iyon. Bago pa man ako makabawi, hinila nila ang buhok ko hanggang sa napatingala ako sa kanila.
One of them give me a powerful slap on my right cheek. Pakiramdam ko nabingi ako sa lakas ng pagkasampal sa akin. Hindi pa man nawawala ang sakit, kinaladkad na nila ako gamit ang buhok ko. I screamed pero hindi sila tumigil. Hinila ko pabalik ang buhok ko pero tinadyakan nila ang paa ko hanggang sa mapaluhod ako sa sakit.
"Tama na. Tao lang yan. Isang mahinang nilalang. Baka mapatay ninyo pa yan. Lagot tayo kay boss. Balita ko mahal pa naman ang patong ng babaeng yan dahil bukod sa bata, masarap ang dugo."
Napapikit ako sa narinig. Tama nga ang hinala ko. Gagawin nga nila akong pagkain. Masarap daw ang dugo ko. Shit!
Binigyan nila ako ng isa pang sipa sa kaliwang paa at malakas na suntok sa tagiliran na muntik ko ng ikinahimatay bago ako kinaladkad pabalik sa loob ng building.
Dahil nadumihan ako, pinaliguan ulit ako at binihisan. Hindi nila alintana ang mga sugat ko. Sinabunan pa rin nila ako kahit sobrang hapdi sa pakiramdam. This time mahigit sa sampong babae na ang nagbabantay sa akin.
I lost hope to escape. Bantay-sarado nila ako.
Pagkatapos akong bihisan, kinaladkad ako patungo sa isang itim na silid. Nandoon ang kalahati sa mga mukhang elf na kagaya kong kinulong rin sa selda.
They were wearing the same white dress I had.
"Sila na ba lahat?" Narinig kong tanong ng lalaking mukhang turo. Sobrang laki niya at nakakatakot ang uri ng tingin niya.
"Opo master. Siya na po ang panghuli sa medium class."
Umugong ang malakas na sigawan sa kabilang bahagi ng silid. Hindi ko makita kung ano ang meron doon sapagkat isinarado nila ang pinto pagkatapos itulak ang maliit na elf.
"Number 7. A small 4 ft. elf. Beautiful and young. Has a type 1 blood and talented in certain department that makes you crave for more. Not to mention a former dancer."
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)
FantasySuddenly sold to slavery in a foreign, magical place she never knew existed, can Rose go back home before the approaching war comes or would she die trying? ~ All Rose wanted was a normal and happy life. Bata pa lang, wala na siyang magulang ngunit...