"Para saan ba itong mga aklat na to?"
Kanina pa nagrereklamo si Rita. Mabigat daw ang mga libro kaya bakit ko daw kailang to. Hinayaan ko lang siyang magreklamo, total tinutulongan pa rin naman niya ako kahit satsat siya ng satsat.
"Dito na lang. Salamat."
Sinamaan niya ako ng tingin ng mailagay na niya ang sampong libro sa mesa na nasa gitna ng green house.
Ilang minuto niya pa ako pinagsabihan ng mga bilin. Talagang may sama siya ng loob sa mga libro. Pinaratangan pa niya ang mga to na inaagaw daw ako sa kanya. Natawa na lang ako sa mga pinagsasasabi niya.
Nang makaalis na si Rita, nagsimula na akong magdilig ng halaman. Nagbasa rin ako. Mahigit labing limang aklat ang dinala namin at lahat puro tungkol sa mga halaman. Ngayong araw, pagpapahingahin ko muna ang utak ko sa kakaisip at kakabasa ng paraan paano makakauwi sa amin. Ang trabaho ko naman ang aasikasuhin ko ngayon.
Malaki ang pasasalamat ko at buhay pa rin ako hanggang ngayon. Oo, pakiramdam ko konte na lang at mamemental na ako dahil sa lahat ng nasaksihan at naranasan ko sa nakaraang tatlong buwan pero ang katunayang humihinga pa rin ako hanggang ngayon at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw ay talaga namang pinagpapasalamat ko.
Nang ibenta ako sa auction, akala ko yon na talaga. Akala ko wala na akong kawala, na wala na talagang pag-asa. Alam ng utak ko ang posibleng mangyari. Kung hindi ako mamamatay, mas kahindak-hindak pa ang sasapitin ko. Pero nagmilagro ang langit. Buhay ako at napunta sa kamay ng mga mababait na maligno— I mean Fae.
Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko ng maramdaman ko ang kapangyarihan niya. Kahit hindi ko pa siya nakikita, alam ko na na siya yan.
Hindi pa rin ako sanay sa tuwing malapit siya.
Hindi nga ako nagkamali. Paglingon ko, nasa may hamba ng pintuan si Sin. Nakatayo lang siya habang tinititigan ako.
Hindi ko alam kong yuyuko ba ako o babatiin siya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kong ano ang dapat kong iakto sa harapan niya. Alam kong prinsipe siya at ganon rin si Daniel at Prinsisa naman si Aira pero hindi naman ako kasali sa nasasakupan nila kaya hindi ko alam kong dapat ba akong sumunod sa mga batas nila.
Pero binili ka niya, that makes him have a hold of you.
Minsan, ang sarap sakalin ng utak ko. Nakakairita ang takbo ng nito.
Hindi ako handa sa naramdaman ng maglakad siya papalapit sa akin. Lahat ata ng kinain ko kaninang agahan gustong lumabas. Gusto kong masuka lalo na ng isang metro na lang ang layo namin. Para talagang ginagalit niya ang tiyan ko sa tuwing malapit siya.
Nang magtanong ako kay Aira tungkol dito, ang sabi niya resulta daw ito ng kapangyarihan ni Sin. Dahil tao lang daw ako kaya nagkakaganito ako kapag nararamdaman ko ang presensya niya.
Parang may maliliit na kurente sa katawan ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng panghihina dahil sa lakas ng intensidad ng nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag.
Umupo siya sa tabi ng mesang pinaglagyan ko ng libro. He motion for me to continue what I was doing kaya tumalima ako. Pinilit ko ang sarili na gumalaw kahit na nanginginig ang tuhod ko dahil sa nararamdamang kakaibang kiliti na may halong kurente at hapdi.
Nagdilig ulit ako at nagbungkal kahit na masama ang pakiramdam ko. Pilit ko ring binabalik sa normal ang paghinga ko. Nang lumapit kasi si Sin, parang nawala ang hangin at hindi na ako makahinga ng normal.
Nang una ko siyang makilala, naramdaman ko nang may kakaiba sa kanya. I felt power pero hindi naman ganito. Bakit parang mas lumalala habang tumatagal?
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)
FantasySuddenly sold to slavery in a foreign, magical place she never knew existed, can Rose go back home before the approaching war comes or would she die trying? ~ All Rose wanted was a normal and happy life. Bata pa lang, wala na siyang magulang ngunit...