Chapter 28

647 69 9
                                    

Whatever happens, stay safe. Be back after this ends. Then will talk.

- Sin

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko binasa ang sulat ni Sin sa nakalipas na tatlong araw. Hangang ngayon hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nangyari. Gusto kong buhusan ng malamig na tubig ang sarili ko ng biglang mag-init na naman ang mukha ko ng maalala ko ang mga ginawa ko.

I can't believe I fainted!

Hindi ko alam kung saan ba ako mahihiya. Sa isiping nagpadala ako sa mga halik niya kahit na pagmamay-ari na siya ng iba o sa pagkakahimatay ko pagkatapos niyang halikan ang collar bone ko.

Para na akong kamatis sa sobrang pula.

Mabuti na lang nahimatay ako dahil kundi nangyari yon baka-

Stop thinking about it Rose. Ikakasal na yong tao.

Pero di ba sabi niya wala na daw ang kasal?

Pero paano naman nangyari yon? Ano na lang ang mangyayari sa kaharian kung hindi matutuloy ang kasal?

Hindi ko mapigilang mainis. Wala akong ideya kung ano na ang nangyayari sa Bastione. At nag-aalala ako ng sobra. Pakiramdam ko kasi may samang mangyayari. Hindi ako mapalagay dahil nakaupo lang ako dito at walang magawa.

Kung ano-ano na ang iniisip ko. Lalo pa at wala pa ring balita tungkol kay Aira.

Tinitigan ko ang kwentas na bigay niya. Kanina pa ito kumikinang kaya nagtatakang inalis ko ito sa leeg ko at tinitigan ng mabuti. Wala itong tigil sa pagkinang simula ng bumisita si Sin dito.

Tinanong ko si Captain Roll kung may alam ba siya kung bakit nagliliwanag ang kwentas pero wala daw siyang alam tungkol sa mahika.

Ilang oras pa akong parang baliw na nakaupo lang at nakatingin sa kawalan. Gusto kong tumulong pero wala akong magawa. Hindi ko rin alam kung may maitutulong ba ako.

Nang mapagod ang utak ko kakaisip, nagdesisyon akong magluto na lang. Muntik ko ng makalimutan na kaarawan ko nga pala ngayon. Kaya imbes na magmukmuk ako, nagluto ako ng pagkain. Inabot ako ng apat na oras dahil siniguro ko pa na mapapakain ko lahat ng kawal na nandito.

Nang tawagin ko sila para kumain, hindi sila pumasok sa loob ng bahay dahil kailangan pa rin daw nila akong bantayan. Hindi ko na lang sila pinilit. Sapat na ang pagtanggap nila sa niluto ko.


Kami lang ni Captain Roll ang kumain sa lamesa. Tinulongan rin niya akong manghugas ng pinggan.

Nang matapos kaming magligpit, bumalik ako sa kwarto. Plano ko sanang magbasa ulit pero kung saan-saan lumilipad ang isip ko kaya natulog na lang ulit ako.


Malamig.

Parang binabalot ng yelo ang buong katawan ko.

Madilim.

Wala akong makita kahit na alam kong hindi na ako nakapikit.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon