Napaatras ako kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nasa lugar ako na puno ng mga babaeng kakaiba ang itsura. They look like monsters. Para silang half human at half animals.
Nakakalat sila sa buong paligid at karamihan sa kanila ay pinapaliguan kami sa isang malaking bilog na parang swimming pool na may green na tubig.
"Bilisan natin." Sigaw ng babaeng may itim na buntot.
May hawak siyang parang isang bilog na metal sa kanyang kanang kamay. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ang kamay niya. Para itong kamay ng isang tigre. Pati ang balat niya at tenga ay katulad rin ng tigre.
Nalilito na napabaling ako sa babaeng papalapit sakin. May itim siyang mga pakpak. Nakatupi ito pero isang tingin pa lang at alam ko ng malaki ito. Para itong pakpak ng isang uwak. Kakaiba rin ang kulay ng kaniyang balat, kulay abo ito. Papalapit siya ng papalapit sa akin habang may dala siyang puting tela na may kakaibang kulay.
"Wag! Wag kang lalapit!"
Sa sobrang gulat at takot ay lumangoy ako palayo hanggang sa mabundol ko ang isang babaeng kasama ko sa swimming pool. Napasigaw ako ng makitang mukha siyang elf. Kakaiba ang tenga niya. Kulay pink ito at pointy. Singkit ang kaniyang mga mata at kulay violet. May kakaibang bagay na kumikinang sa gilid ng kaniyang mukha. Para itong tattoo na glitter na may iba't ibang kulay. Doon ko napansin ang iba pang mga babae na kasama ko sa bilog na parang swimming pool. Lahat sila kakaiba rin ang hitsura pero karamihan sa kanila ay mukhang elves.
"Diyan ka lang! Wag kang lalapit!" Nagpapanic na nagpalinga-linga ako. Hinanap ko ang daan palabas ngunit mas lalo lang akong nalito ng makitang pinapalibutan ako ng mga kakaibang nilalang.
Nananaginip ka lang Rose! Hindi to totoo. Imposible itong maging totoo.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nagbilang ako ng hanggang lima ngunit pagmulat ko nandito pa rin ako at pinapalibutan pa rin ako ng mga babaeng may kakaibang hitsura.
Sumikip ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga.
Nasaang lupalop ba ako?
Ipinikit ko ulit ang mga mata ko at kinurot ang sarili. Nang makaramdam na ako ng sakit, minulat ko ang mga mata ko ngunit ganon pa rin. Nandito pa rin ako.
Isang babaeng may apat na kamay ang biglang lumapit sa akin. Napasigaw ako sa sobrang takot at agad lumayo. Umahon ako sa swimming pool at kumaripas ng takbo. Muntik pa akong madulas dahil sa tubig na tumutulo mula sa damit ko ngunit agad kong nahanap ang balanse ko. Pinagtitinginan na ako ng lahat at lalo lang itong nagpasama sa kabang nararamdaman ko.
Hinabol ako ng babaeng may kakaibang paa kasama ang babaeng may kabayo na katawan at isang babaeng may balat na maihahalintulad sa balat ng isang buwaya. Mas binilisan ko ang pagtakbo dahil sa sobrang takot. Halos marinig ko na ang sariling tibok ng puso ko dahil sa sobrang lakas ng pintig nito.
Tinulak ko lahat ng makasalubong ko, wala na akong pakialam kung sino ang mabunggo ko. Wala sa sariling hinanap ko ang pinto. Nagbabakasali na sa paglabas ko, babalik na ako sa normal at normal na ang makikita ko ngunit paglabas ko sa nag-iisang pinto na nakita ko mas lalo akong nabalisa nang makita ko ang mga lalaking nag-iinoman.
Napapalibutan ng kakaibang usok ang buong paligid at halos lahat ay kulay itim. Maingay at lahat ng nandoon ay may dalang kakaibang patalim.
Gaya ng mga babaeng nakita ko, hindi rin sila normal. Isang lalaking mukhang kalabaw ang nakatayo sa mesa at may hawak na itak ang unang nakaagaw sa paningin ko. He was having a conversation sa isang lalaking mukhang higante sa sobrang laki. May sungay rin ito at may kakaibang buntot na malikot na gumagalaw. May hawak rin itong parang espada.
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)
FantasySuddenly sold to slavery in a foreign, magical place she never knew existed, can Rose go back home before the approaching war comes or would she die trying? ~ All Rose wanted was a normal and happy life. Bata pa lang, wala na siyang magulang ngunit...