Nagising ako dahil sa biglaang pagkalam ng sikmura ko. Nang imulat ko ang mga mata ko, wala akong makita dahil sa dilim.
Hindi muna ako gumalaw. Pinakiramdaman ko muna ang buong paligid.
Masakit man ang ulo at katawan ko, sinubukan ko pa ring umupo at dahan-dahan kong ginalaw ang mga paa at kamay ko.
Buhay pa pala ako.
Nakahinga ako ng maluwag pero agad ring nawala ang panandaliang saya ko at nagtayuan lahat ng balahibo ko nang maramdaman kong parang may nakamasid sa akin. Pasimple kong inilibot ang paningin ko pero wala namang kakaibang nahagip ang mga mata ko.
Stop being paranoid Rose.
Tumunog ulit ang tiyan ko dahil sa gutom kaya bumaba ako sa kama para maghanap ng pagkain. Muntik pa akong matumba dahil sa kawalan ng ilaw pero agad kong nahawakan ang kama bilang suporta.
Lumapit ako sa pinto at sinubukang buksan ito pero nakakandado kaya ang bintana na lang ang binuksan ko. Nahirapan ako dahil sa bigat pero a moment later ay nabuksan ko rin.
Ang malamig na hangin ang agad bumati sa akin. Madilim na sa labas kaya napakamot ako ng ulo.
Ilang oras pala akong nawalan ng malay?
Wala akong maaninag dahil sa dilim kundi ang mga fireflies na sumasayaw sa paligid ng mga puno. Isang mahinang ungol galing sa loob ng gubat ang biglang sumira sa tahimik na gabi. Hindi ko alam kung anong hayop ang may gawa ng tunog pero isa lang ang alam ko, it's a dangerous animal for it to have such a gruesome howl.
Napayakap ako sa sarili, kakaiba talaga ang lugar na to.
Napatingala ako sa langit sa isiping iyon.
Mabuti na lang hindi mukang alien ang buwan at mga bituin nila dahil kung hindi, iwan ko na lang. Baka nabaliw na talaga ako.
Lahat dito kakaiba, lahat mahiwaga at nakakatakot. Lalo na yong huling naranasan ko, it was weird and scary.
Napatingin ako sa kamay ko ng maalala ko kung bakit ako nawalan ng malay. Wala akong makitang sugat, peklat o kahit na anong ebidensya na nasugatan ako.
Weird. Nangyari ba talaga iyon? O baka naman isang panaginip lang ang lahat.
Nawala na parang bula ang ebidensya na nasugatan ako. Wala man lang bakas na naiwan gaya ng pagkawala ng bumili sa akin kanina sa silid.
Napatingin ako sa ibaba ng bintana ng maalala ko iyon. Kahit na halimaw pa siya, hindi siya mabubuhay sa taas nito kung sakaling sa bintana talaga siya dumaan.
Baka katulad rin siya ni Aira at ng lalaking nakita ko sa kusina na lumilipad?
It would make perfect sense.
"Kung iniisip mo na mabubuhay ka pa kapag tumalon ka diyan para makatakas then you're wrong."
Muntik na akong atakehin sa puso ng biglang may nagsalita sa likuran ko. The voice was rough, hard, deep and manly. Hinanap ko kaagad ang pinanggalingan ng boses pero wala akong makita. Tumingala pa ako just in case isa na namang flying being ang isang ito pero wala talaga.
"S-Sino ka?" I tried to make my voice sound brave and strong pero hindi ko pa rin natago ang kaba ko.
"It would be best kung isasarado mo ang bintana."
The voice spoke again. Pinakinggan ko ng mabuti ang pinanggalingan nito pero kahit na anong tingin ko sa paligid wala talaga akong makita.
Maybe he's invisible.
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)
FantasySuddenly sold to slavery in a foreign, magical place she never knew existed, can Rose go back home before the approaching war comes or would she die trying? ~ All Rose wanted was a normal and happy life. Bata pa lang, wala na siyang magulang ngunit...