Chapter 25

627 56 8
                                    

Napalukso ako ng biglang bumukas ang pinto ng silid aklatan.

Ito ang unang pagkakataon na may pumasok na ibang tao bukod sa akin kaya agad akong lumingon. Laking gulat ko ng makita ko si Aira na mabilis na naglalakad patungo sa kinaruruonan ko.

"What did you do?" Biglang tumaas ang boses niya habang nagpalakad-lakad siya sa harapan ko.

"Alam mo ba kung ano ito? Alam mo ba kung kanino ito nagmula? Alam mo ba kung para saan ito?"

Puno ng patataka ang mukha niya habang ipinakita ang hairpin na binigay ko sa kaniya kahapon.

Hindi ko alam kung bakit natataranta si Aira.

"Hairpin daw yan para sa mga mangkukulam. Nababago daw niyan ang kulay ng buhok ninyo." Inosenteng sagot ko.

"Exactly!"

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon niya.

"Saan mo ito nakuha?"

"Sa tindahan." Napakamot ako ng ulo ng biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Saang tindahan?"

"Sa Lost Valley. Sa may paanan ng bayan."

"Lost Valley? Lost Valley? At anong binigay mong kapalit?" Kita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Aira.

"Did you pay it with your blood?" Nang makita niyang hindi agad ako nakasagot, mas nanlaki ang mga mata niya.

"Bloody fucking hell!" She cursed.

Then she squeal. At bigla niya akong niyakap. "Salamat dito Rose." Sigaw niya habang tumatakbo palayo.

Ilang minuto rin akong nakatitig lang sa lugar kung saan siya nakatayo kanina pero ng mapagtanto kong hindi na siya babalik, pinagpatuloy ko na ang naudlot na pagbabasa.

Hindi gaya ng inasahan kong birthday party ang naganap kahapon para kay Aira. Oo maraming pagkain pero walang party na naganap. Parang normal lang na araw. Wala ring bumati sa kaniya.

Doon ko lang nalaman na hindi naman pala nila ipinagdidiwang ni Aira ang kaarawan niya.

Hindi ko rin nakita sina Daniel o si Sin dahil abala sila para sa festival na tawag ay Game Week na gaganapin bago ang kasal ni Sin.

Hindi ko masyadong naintidihan ng ipinaliwanag sa akin ni Rita ang Game Week dahil abala ako sa pag-iisip kung paano makakahanap ng bagong matutuloyan.

Mahigit sampung aklat rin ang nakabukas sa lamesa. Ilang aklat na rin ang kinuha ko sa shelves pero kahit na ilang libro na ang nabasa ko, hindi ko pa rin mahanap ang sagot.

Simula ng makabalik ako sa palasyo pagkatapos mamili ng ipangreregalo kay Aira, agad akong pumunta ng silid akalatan at ginugol lahat ng oras ko sa pagbabasa at paghahanap ng sagot sa mga katanungan ko.

Apat na araw na ang nakakalipas pero wala pa rin akong makuhang sagot. Gusto kong malaman ang lahat ng inpormasyon tungkol sa Sealing Spell na sinabi ng matanda. Baka kasi isa ito sa sagot kung ano talaga ako.

Pagkatapos ng ilang masinsinang pag-iisip, napagtanto ko na kung hindi na talaga ako makakabalik sa mundo namin, mas mainam na malaman ko ang kalakaran ng Halifax ng hindi ako mapasok sa gulo. At upang magawa ko iyan, kailangan kong malaman kung ano ako.

Gusto ko ring malaman ang lahat tungkol sa mga portal at pati na rin kung may ibang daan ba pabalik sa mundo ng mga tao. Kahit alam ko nang mukha itong impossible sa ngayon, hindi pa rin ako susuko. Alam kung makakauwi ako. Kailangan ko lang maghanap ng sagot.

Isasarado ko na sana ang librong hawak ko dahil wala dito ang hinahanap ko ng makita ko ang lawaran ng isang halaman.

Ito yong nakita ko sa Lost Valley. Yong may gintong alilabok.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon