Daniel's P.O.V.
"Tinatanong kita kaya dapat sumagot ka!" Malakas na umugong ang sigaw ni Sin sa buong kagubatan dahilan para tumango ang payat na lalaking nagngangalang Lim.
Dinakma ni Sin ang braso ng lalaki at tinanong ulit. "Nasaan si Marina? Nasaan siya?"
Sa ika-tatlong pagkakataon hindi sumagot ang lalaki.
Hindi mapagpasensyang nilalang si Sin kaya hindi na ako nagulat ng bigla niyang baliin ang braso nito. Malakas na mapadaing si Lim pero hindi doon tumigil si Sin. Binali niya pati ang isang braso nito.
Tinanong niya ulit ang duguang lalaki ngunit nang hindi pa rin kami sinagot, ang leeg na sana ang isusunod ni Sin ng biglang maglaho ang lalaki.
"Halifaxus!" Malutong na mura ni Sin.
"Hindi siya pwedeng tumakas! Walang pwedeng tumakas sa mga kamay ko."
And before we knew it, sinundan na ni Sin ang naiwang bakas ng lalaking nahuli namin.
Ilang minutong naging tahimik ang dating maingay na gubat pero agad rin itong binasag ng kasama ko.
"Black magic?" Tanong ni Aira na tinanguan ko lang.
Of course Lim is using black magic. It would explain why a werewolf can suddenly flash even though they can't.
"Hindi ba natin siya susundan?"
Tamad na tinitigan ko si Aira na abala sa pagkain habang tinatahak niya ang masukal na kagubatan.
"Ano? Lilipad ka na lang ba diyan? Hindi ba natin pipigilan si Sin?" Pinikit ko ang mga mata ko at hindi pinansin ang bunganga niyang kung hindi kumakain ay puro satsat naman ang ginagawa.
"Para namang mapipigilan natin yon." Mahinang bulong ko.
Niyakap ko ang kulay tsokolateng kumot at nagsimula ng matulog. Malapit na akong makaidlip ng bigla akong hilahin ni Aira.
"Ano ba? Wag ka ngang puro tulog. Ang tamad mo talaga. Hindi ka na nga naglalakad, tutulogan mo pa ako. Tulongan mo kaya akong sundan si Sin. Baka mamaya hindi na naman makapagpigil yon at bigla na lang magwala. Hindi pa naman maayos ang isip non dahil-"
"Oo na, oo na. Ang daldal mo talaga."
Nayayamut na tumapak ako sa lupa. Napabuntong hininga ako ng makita ko kung gaano kalawak ang gubat. Nakakapagod lakarin to kaya bumalik na lang ako sa paglipad.
Matapos ang ilang minutong paghahanap namin, napadpad kami sa dalampasigan.
Kahit ilang milya ang layo namin, malinaw na natatanaw ng mga mata ko ang lupain ng Leviathan Capital sa kabilang dako ng dagat.
"Tutuloy ba tayo? Hindi tayo nakapagpaalam kay Haring-"
"Kailangan nating sundan si Sin." Putol ko sa sasabihin niya bago pa ito humaba.
Alam kung maaari kaming makapagsimula ng gulo lalo pa at wala kaming pahintulot na pumasok sa lupain nila pero wala akong pakialam. Kailangan naming sundan si Sin.
Malakas na nagpakawala ng hininga si Aira at inilabas ang kanyang malaking, lumang aklat na lagi na lang sumusulpot kung saan.
Matapos ang ilang minutong paghahanda, nakagawa si Aira ng portal mapuntang Leviathan. Matatagalan kasi kung lilipad kami. Baka hindi na namin maabotan si Sin.
Nang makapasok kami sa Leviathan, madali lang naming natakasan ang mga nagpapatrol sa boarder. Tinalasan ko ang aking pandinig at pakiramdam lalo pa at may dahilan kung bakit hindi kami pinahihintulutang pumasok sa lugar na ito ng walang pahintulot mula sa mga Ministro.
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)
FantasySuddenly sold to slavery in a foreign, magical place she never knew existed, can Rose go back home before the approaching war comes or would she die trying? ~ All Rose wanted was a normal and happy life. Bata pa lang, wala na siyang magulang ngunit...