Mabagal ang paglalakad namin and I feel at ease for some unknown reason.
"Saan ba ako magsisimula?" Sin said more to himself than to me.
"How about start with your world?"
Tumango si Sin.
"Alam mo nang Halifax ang tawag sa lugar namin. May walo kaming kontinente but our elders argued na siyam daw talaga ito. But no one ever found the nineth."
The air blew and we both stop to savour it. Sariwa ang hangin dahil sa mga puno at kami lang ang nandito.
"Isa sa walong kontinente ang Bastione pati na ang Robustos na tirahan ng mga taong lubo. Napuntahan mo na rin ang Leviathan Capital, ang pinakamalaking kontenente at ang may pinakamaraming naninirahan. At dahil iba-iba ang lahi na naroon, hindi sila nagkakasundo."
"Iba-iba ang lahi?" I gawked awkwardly at what I just discovered. "May iba pa palang lahi bukod sa nakita ko?"
Sin softly laugh at my reaction.
"May tinatawag kaming Big Six. Yon ang mga lahing marami ang bilang kumpara sa ibang lahi. Ang Big Six ay ang mga Berserker, Werewolves, Witches, Fae, Drakon at mga Elves."
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig. Nang mapansin iyon ni Sin, nilingon niya ako.
"Berserker?" Tanong ko. Sa lahat kasi ng sinabi niya, iyon ang hindi ako pamilyar.
"Mga halimaw na gawa sa dilim. Some says they're the descendants of demons but no one really knew if it's a myth or what."
Napakamot ako ng ulo. Demonyo? Kung may demonyo... Edi baka may angel rin?
"May mga anghel rin ba dito?"
Baka kapag nagdasal ako, marinig nila ang daing ko at ihatid ako pauwi sa lugar namin.
"No, we don't have angels here."
Oh.
Ilang minuto ko muna pinakalma ang sarili ko. Sabi ko na nga ba, hindi na dapat ako umasa pa. I'm really stuck here. Nang makabawi na ako sa pagkadismaya, nagpatuloy ako sa paglalakad kasama si Sin.
"Kung may Big Six, may mga minorities rin at naninirahan sila sa Leviathan Capital. Marami ang mga minorites pero ang pinakakilala ay ang mga Creatures of the Night at mga Centaurs. Kilala rin ang Shadow Dweller pero kilala lang siya dahil sa mga kwento tungkol sa kanila."
Kumunot ang noo ko sa narinig. I'm already panicking ng una kong makita ang mga nakapaligid sa akin sa Leviathan. Then when I was transported here in Bastione, lahat kakaiba. Tapos malalaman ko na marami pa pala sila? Shadow Dwellers? Creatures of the night? Bakit parang nakakatakot ang mga pangalan nila?
"I haven't seen a Shadow Dweller all my life. Some says they're just a myth. Others argued na mailap lang talaga sila kaya wala pang nakakakita sa kanila. Madami ang sabi-sabi tungkol sa anyo nila pero iisa lang ang consistent base sa lahat ng iba't-ibang version. And that is they're darker than dark."
Napalunok ako ng wala sa oras. And here I thought Berserker was the creepier one.
"Teka, kung wala pa palang nakakakita sa kanila bakit sila kilala? I mean, di ba hindi naman makikila ang lahi ninyo kung hindi kayo nagpapakita?"
"I actually don't have the answer to that, all I know is kilala sila sa Leviathan Capital."
Ilang minuto kaming natahimik ulit. We kept on walking until I could no longer stand the silence.
"Ano yong creatures of the night?"
"They're mostly Goblins, Ogre at kung ano-ano pang nilalang na pinaniniwalaang ginawa sa kalagitnaan ng gabi."
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)
FantasiaSuddenly sold to slavery in a foreign, magical place she never knew existed, can Rose go back home before the approaching war comes or would she die trying? ~ All Rose wanted was a normal and happy life. Bata pa lang, wala na siyang magulang ngunit...