Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ko para makatakbo.
Mukhang normal ang mga nakita ko sa hapagkainan, mukha silang tao pero yon na nga. Hanggang mukha lang sila dahil alam kong sa likod ng kanilang mukha ay nagtatago ang isang nilalalang na noon ay sa mga libro ko lang nababasa.
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman kong kaba at takot ng makita ko sila. Biglang bumigat ang puso ko. Para itong pinipiga mula sa loob. Lahat ng balahibo ko biglang nagtayuan lalo na ng dumapo sa akin ang mga mata nilang kakaiba ang kulay.
There's an air of authority around them. Parang hinihila ako papalapit sa kanila but at the same time nararamdaman ko rin ang pagtulak ng hangin sa akin na para bang sinasabihan akong lumayo hanggang kaya ko pa.
Nakakapagtaka lang. Sa lahat kasi ng nakilala at nakita ko simula ng mapadpad ako sa kakaibang mundong ito, sila pa lang ang pinakamukhang normal maliban kina Aira at Daniel pero sila rin ang nagparamdam sa akin ng kakaibang takot. Tinalo nila ang takot na naramdaman ko sa taong turo at sa mga nilalang na kung tawagin nina Sin ay Golem.
Hindi ko alam kung nasaan na ako. Basta na lang akong dinala ng mga paa ko palayo sa kanila. Hindi pa rin humuhupa ang kaba ko at hindi rin bumabagal ang takbo ng aking mga paa hanggang sa napansin ko na lang na nasa labas na ako ng kastilyo.
Maliwag ang buwan pero walang bituin sa langit. Pinalibot ko ang mata ko pero ang pag-inspeksyon ko sa lugar ay natigil ng maramdaman ko ang init mula sa aking mga paa.
Sa sobrang pagmamadaling makahanap ng pagkain, nakalimutan kong magsapin sa paa ng lumabas ako sa kwarto.
Gabi na pero sobrang init pa rin ng lupa. Para akong naglalakad sa mainit na baga. Mabilis naghanap ng maapakang iba ang mata ko. I hop from one place to another pero mainit lahat. Ramdam ko ang hapdi na sumisiksik sa kalamnan ng aking mga talampakan hanggang sa bigla akong umangat mula sa lupa.
Hindi ko maiwasang mapasinghap kasabay ng panlalaki ng mga mata ko ng masilayan ko ang nakakunot na noo ni Sin.
Agad akong nagbaba ng tingin. Hindi ko alam kung paano ako kikilos. Gusto kong sabihan siyang ibaba ako pero bago ko pa man maibuka ang aking labi biglang dumilim at lumamig paligid. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig sa likuran.
Hindi pa man ako nakakabawi sa naramdaman, bigla naman akong binalot ng init. Tapos lumiwanag hanggang sa lumitaw sa paningin ko ang kwartong tinutuluyan ko kanina.
P-paanong...
Ibinaba ako ni Sin at sinamaan ng tingin.
"Aira specifically told you not to go outside for a reason. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Pakiramdam ko nabasag ang eardrums ko sa lakas ng sigaw niya.
Kumikinang ulit ang mata niya kasabay ng pag-igting ng panga.
"Hindi ka nakikinig at lagi mo na lang pinapahamak ang sarili mo! Bakit ka ba lumabas? Hindi ka ba makapaghintay na puntahan namin? Tatakas ka na naman? Well news flash Earthling, you will not survive a damn day outside my care and the faster you realize and accept that the better your well-being will be, damn it!"
Nang matapos siyang magsalita, his chest is heaving fast. Galit talaga siya pero galit rin ako.
"Ano tapos ka na?" Tinaasan ko siya ng kilay at sinalubong ko ang matalim niyang titig.
"Oo, ikaw ang bumili sa akin. Niligtas mo rin ang buhay ko pero wala kang karapatang sumbatan ako para sa bagay na kinailangan kong gawin."
I held my ground kahit na kinakabahan ako. Being this close to him made me dizzy. Para akong hinihila para maging mas malapit sa kaniya and the harder I resist the pull the more I want to suddenly vomit.
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)
FantasySuddenly sold to slavery in a foreign, magical place she never knew existed, can Rose go back home before the approaching war comes or would she die trying? ~ All Rose wanted was a normal and happy life. Bata pa lang, wala na siyang magulang ngunit...