CHAPTER 3:

1 2 0
                                    

Weeks

After staying in this visitors room, I tried to sneek in the sala. I don't even know why.

I'm pouting while trying to see who's Alistair talking to, I run fast when he look in my direction!!

Malalim ang pag-hinga ko habang naka-sandal sa pinto.. Ito ang unang beses na tumakbo ako ng ganoon kabilis!! Halos di ako maka-hinga ng ayos dahil sa kaba. Hindi ko dapat iyon ginawa maarin naman akong mag-panggap...

Sinubukan kong kalmahin ang sarili dahil ako rin ang mahihirapang matulog kung iisipin ko ang nangyari kanina. Umupo ako sa dulo ng kama at nag-pakawala ng malalim na buntong hininga. Inilibot ko ang tingin at namangha dahil simple lang disensyo ng kwarto ngunit mukhang komportable tignan. Ito ang unang beses na makakita ako ng ganitong kwarto.

Nakangiti ako habang humahakbang sa bawat sulok ng kwarto itim at puti ang theme ng bahay ni Ali at hindi na ako mag-tataka kung bakit.

Kaunti ang mga furnitures pero hindi kulang sa paningin ko maganda itong tignan ang mga simpleng disenyo ay maganda at magaan sa pakiramdam.

Nahihiya man ay naligo na ako, walang ibang damit kaya nag-padala siya ng damit kay Fidèle. Matapos maligo ay humiga na ako. Pumayag ako dahil natatakot akong magamit muli ni Papà.

Hindi ko mapapantayan si Papà hindi ako kasing lakas ni Anaizs para man laban lalo na't alam kong hindi ako makakapalag. Matapos mag-bihis ay nahiga na ako.

Siguro kung kaya ko rin ang ginagawa ni Anaizs na kalayaan ngayon ay baka kasama ko si Cal. Baka kayakap ko siya at naaalagaan.

Matapos mag-layag ng isip ko ay tuluyan akong naka-tulog.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko kaya naman agad akong bumangon at naligo. Matapos ay bumaba ako at napag-balakan na mag-luto ng kaharap ko na ang Kitchen Utensils ay tsaka lamang pumasok sa isipan ko na hindi ako marunong mag-luto...

Sinubukan kong mag-hiwa pero hindi pa man nag-uumpisa ay agad na dumaplis ang kutsilyo sa braso ko. Dahil sa maling pag-hawak at kawalan ko ng pag-iingat. Agad akong napa-daing at tuliro hindi alam ang gagawin dahil bukod sa wala akong alam tungkol sa paglulufo ay ganoon din sa pag gagamot...

Wala yata talaga akong alam maliban sa maging isang pabigat... Naiiyak kong hinugasan ang isang dangkal na sugat ko nakapikit ako habang hinahayaang mahugasan ng tubig ang dugong patuloy sa pag-agos.

Matapos mahugasan ang kanang braso ko ay nag-tungo ako sa sala para mag-hanap ng bagay na maaring mag takip sa sugat ko ngunit wala. Umakyat ako sa itaas at isa-isang binuksan ang bawat silid at nang akmang bubuksan ko ang huli dahil bigo ako sa pag-hahanap ng gauze. Bumukas ang pinto at bumungad ang nagugulat ding si Ali...

Napanguso ako ng makitang wala itong pang-itaas at lalong akong napanguso ng maalala ang sugat ko tinago ko ang kanang braso ako at tatalikod na sana ng magsalita si Ali.

"Bakit ka nandito?"

"Ah wala nag-lilibot lamang.." palusot ko.

"Uh-uh? What are you hidding?" Humakbang siya at naka-cross ang braso habang binabasa ang galaw ko. Napalunok ako dahil anlapit namin dahilan para kumirot ang puso ko sa bilis ng tibok.

"Nothin.." bulong ko.

"Let me see."

"Wala nga." Maliit na tinig ang pagkakasabi ko dahil may diin at hindi na pag-uutos ang ginagawa niya para bang pag hindi ko nagawa ay magagalit si Ali.

No Words For Emotions (All Saints SERIES #2)Where stories live. Discover now