CHAPTER 7:

4 2 0
                                    

Party

After a long flight sa wakas makakapag pahinga na rin kami ni Cal. Sa bahay kami ni Wren tutuloy.

Wala si Wren kaya pinatuloy kami ng mga kasambahay niya. Pulos ang tawag ni Wren upang kamustahin kami ni Cal ngunit natigil din nang sabihin kong mag papahinga na kami.

Magkatabi kami ni Cal kaya mabilis saakin ang matulog.

Nagising ako sa mahinang kaluskos ngunit nanatili akong nakapikit. Natulos ako ng maramdaman ang maliliit at magagaan na halik sa aking leeg at gilid ng labi at agad kong binuksan ang aking mata at halos malaglag ako sa kama nang sahil imbis na si Cal ay si Alistair ang katabi ko!!

Masamang tingin ang sinukli ko sa sinusupil na ngiti sa kaniyang mata!! Ililibot ko na sana ang paningin ko para hanapin si Cal ngunit agad kong nakita ito naka ngiti habang nanonood ng Cartoons sa mini sala. May bitbit itong pagkain na halatang dala ni Alistair.

Dahil naka-upo na ako ay akmang tatayo ako ng agad na nag taas ng kilay si Ali.

"Hilig mo palang makipaglaro" Tinakasan ng kulay ang mukha ko ng marinig ang seryoso ngunit mapag larong boses ni Ali.

Sinubukan kong ikunot ang noo upang ipakitang naguguluhan at 'di ko matukoy kung anong sinasabi niya. Kahit na iisa ang tumatakbo sa isipan namin ang paslit na nasa sofa ang puno't dulo kung bakit narito si Alistair.

Di na ako magtataka kung bakit marahil ay pinapasok siya dahil sa pag kukunwaring kasama niya kami ni Cal o si Wren mismo ang nag-utos nito. Ang babaeng iyon talaga.

Tumaas ang kilay ni Ali at nanghahamon na tinigna ako. Ang kaniyang pwesto ngayon ay masyado para saakin.

May mga ala-alang 'di na sana babalikan ngunit kusang nagtutungo ang aking isipan sa isang daan na paulit-ulit ko nang tinatahak tuwing gusto kong alalahanin si Ali.

Napatalon ako ng biglang napuno ng boses ni Wren ang buong kwarto!! Napatayo ako at parang tangang nakatayo sa gilid ng kama habang nanlalaki ang mata kay Wren!!

"Good morning Everybody!! Hi Baby Calel!! Come on let's eat!!" Agad niyang sambit habang kumakaway, naka suot pa ito ng dress at halatang di natulog. Bumaling siya saamin at nag ngising aso kumikinang ang mata at nagkunwaring nagulat kahit hindi naman talaga.

"Oh?! Oh my!! So Saucey!! Ari!! Hi Daddy!!"  Napanganga ako ng marinug ang huling sinabi niya!! Wren!! You're not supposed to say that!!

Nakita ko kung paano unti-unting yumabang ang itsura ni Ali. Tila nanalo at nagyayabang...

Agad na lumapit si Cal kay Wren at kumaway saakin. "Tita Wren Do you know Papa Ali? He's my Dad." Halos mapangiwi ako ng makitang matapang at masayang sinabi iyon ni Cal. Paanong kaya niyang sabihin iyon samantalang 'di ko man lang mabagit ang tungkol doon.

Binuhat ni Wren si Cal at halos tumakbo ako ng matapilok si Wren!! Pero bungisngis niya lang ang narinig ko at sigaw nang makalabas sa kwarto!! "Ops!! Were fine Ari!! Enjoy!!" She playfully scream like it matter to this guy who enjoying what he just hear.

"Hear that Ari baby, even our baby know the truth..." He teased. I froze for a moment before trying to move my feet.

Matapos maligo ay lumabas ako ng kwarto ng walang paalam kay Ali. Di naman kailangan. Di naman nakakapagtakang alam ni Cal dahil may posibilidad na kasabay ng pagpapaliwanag ni Dior ng tungkol saakin ay damay na rin ang natitirang impormasyon tungkol kay Alistair.

Alam kong 'di naman dapat iyon maisama kaso maaring magtanong si Cal at pag nagsimulang siyang mag isip ng mas malalim kailangang sagutin lahat ng bagay na itatanong niya lalo na't kung karapatan niya naman talagang malaman.

No Words For Emotions (All Saints SERIES #2)Where stories live. Discover now