CHAPTER 19:

10 2 3
                                    

You're so untrue

Pagkalabas sa bahay ay namataan ko ang likod bahay doon patungo ang pulang rosas na nagsisilbing daan ko patungo kung saan.

Pinahinto ako sa arko ng roses at iba pang bulaklak nang lumapit saakin si Fidèle at ngumiti.

"Hindi ka mapupuntahan ni Anaizs kaya ako ang pinadala niya." Yumukod siya at nagbigay ng isang tangkay ng rosas.

"Marahil ay nasaktan siya na minadali ni Señora Asia ang kasal niyo ni Alistair ng hindi nagdadalawang isip." Seryosong wika niya.

Napaatras ako sa narinig at nanghihinang tumingin sa mata ni Fidèle..

Mabagal akong napapitlag ng umalis si Fidèle sa harap ko at nagsimula nang mang aliw ang malamyos na musika mula sa arko na may napakalaking kurtina ang arko ay katumbas ng tatlong magkakadikit na pinto. Sa harap ko ay may lumapit na babae may kausap mula sa gadget na nakakabit sa tenga niya ngumiti siya at dumating ang isa pang babae.

Sumenyas ng tatlo bago hinawi ang makapal na kurtina. Naroon ang lahat ng kaibigan ni Alistair pero wala si Señora Asia at iba pa wala si Anaizs at higit sa lahat ay kakaunti lamang ang mga tao.

Marahan akong umatras ng makaramdam ng takot. Dahil ang galit na mukha ni Alistair ang nakabungad sa harapan ko hahakbang pa sana ako paatras ngunit nakita ko si Calel na nakangiti at kumakaway sa harap.

"Mama!! I'm here!!" Sigaw niya nakasuot siya ng three piece suit at napaka gwapo ng anak ko para iwan ko muli. Ngumiti ako at wala sa sariling humakbang papunta sa kinaroroonan ni Cal napabaling na lamang ako kay Alistair ng ilahad nito ang braso saakin tinanggap ko ito at hinaplos ng marahan sa pag-aakalang mawawala ang galit niya ngunit hindi. Lalo lamang dumilim ang awra ng mukha niya.

Natapos ang Kasal ng hindi ako nagtatanong. Walang nakangiti sa mga bisita miski si Alistair ay hindi nasisiyahan. Ang tanging nakangisi at panay ang ngiti at yakap saakin ay si Calel.

Doon din ang venue para sa after party ang kaninang tahimik ay naging maingay ng dumating si Travis kasama si Via na nakalingkis na parang mawawala si Travis sakaniya.

Ang tawanan at asaran nila Enzo at Dirk ang tanging maririnig. Pakiramdam ko ay hindi ako belong sa lugar na iyon. Si Alistair ay mailap at panay lamang ang tingin kay Travis at Via.

Nakapagpalit na ako ng simpleng dress ni hindi ko man lang naramdaman ang saya.

Nagbubulungan si Via at Travis sa gilid at nagulat nalang ako ng may pumaradang Van at magsilabas ang nag gagandahang babae mga hapit at maiikli ang suot ng mga ito.

Naghihawan ang mga tukmol!!

"Woah!!"

"Gago ka Dirk malilintikan tayo kay Señora Asia sa kabalbalan mo!!" Sigaw ni Cero mukhang si Dirk ang nagpapunta sa mga babae.

"Tagay Gago!! Paikutin niyo ng ayos ikaw papaikutin ko Russ!!" Asik ni Dirk kay Russ na tila nilalasing si Dirk halatang nakarami na ito dahil namumula na ang buong mukha panay ang abot ni Russ ng hard wine kay Dirk na panay din ang tanggap.

"Parang tanga naman 'tong mga 'to!! Pektusan kita Enzo!!" Asik ni Russ kay Enzo na nagdadala ng babae sa lamesa nila. Agad na lumingkis kay Russ ang isang matangkad na babae hapit ang suot nitong red dress at namumutok din ang labi na pulang-pula.

"Layo!! Malilintikan ako kay Leighlani!!" Sigaw ni Cero.

Ang matalim na tingin ni Travis kay Cero ng subukang halikan ng isang chinita ang pisngi niya ay ebidensyang hindi nasisiyahan si Travis sa nangyayari.

Kinuha ko si Cal ng may lumapit kay Alistair na babae ito ang pumalit sa pagkakakandong ni Ali kay Cal.

Tinakpan ko ang mata ni Cal at naiiyak na umalis doon.

No Words For Emotions (All Saints SERIES #2)Where stories live. Discover now