KABANATA I
Napakalakas ng kulog at pumapalantik ang naglalakasang kidlat sa kalangitan. Sumasagawisiw rin ang malakas na hangin. Maging ang mga puno sa kagubatan ay sumasayaw dulot na rin ng nangyayaring bagyo.
"Bangg! zzt! bzztt!"
"Krooggghhhhh!"
Ilang oras na nang magsimula ang pag-ulan at pagkidlat. Na sinasamahan pa ng malakas na kulog. Wala pa ring senyales na titigil ang napakalakas na bagyo.
"Isa ba itong natural na bagyo o mayroong naglalaban na mga mago malapit sa aking tahanan."
Ang binatang mga nasa desisais (16) na taong gulang ay malalim na napaisip habang nakadungaw sa bintana ng kanyang kubo. Mayroon siyang berdeng mga mata na tila sumasalamin sa berdeng kalikasan. Ang kanyang itim na buhok na tila kasing itim ng gabi ay bumabagay sa kanyang manipis at mapula-pulang labi. Kaaya-aya ang itsura ng binata at kung mayroon mang makakakita sa kanya ay masasabi nilang galing ito sa isang marangyang pamilya.
"Hmmnnn, mukhang humihina na ang pagkulog at pagkidlat."
Napatayo ang binata at ang itim nitong buhok ay malakas na winawagayway ng hangin.
Ang kanyang berdeng mga mata ay tila kumikislap rin dahil sa repleksyon ng malalakas na kidlat sa kalangitan. Hindi natatakot ang binata kahit pa ang kanyang tahanan ay isa lamang maliit na kubo. Isa itong kubo sa kagubatan at ito ang nagsilbing tirahan ni Rin Halesmoth sa loob ng labing anim na taon.Ngayong araw lamang siya naging isang labing anim na taong gulang. Ngunit pagkagising niya pa lamang ay sinalubong na sya ng bagyo at dahil dito hindi sya nakalabas upang mangaso ng kanyang ihahanda sa kanyang kaarawan.
"Hay00... oohhhihhh!"
Napahikab na lamang ang binata at lumabas sa kanyang maliit na kubo. Ang pusa naman na kanina pa nakatulog sa gilid ay tumalon sa kanyang balikat. Ito ay isang itim na pusa na mayroong abong mga mata. Kasing liit lamang ito ng palad at hindi agad-agad mapapansin. Ito na lamang ang tanging kasama ni Rin Halesmoth mula nang pumanaw ang kanyang lolo anim na taon na ang nakararaan.
Ang lolo n'ya ang nagpalaki sa kanya sa kagubatang ito at ang lolo din n'ya ang nagbigay sa kanya ng mga kaalaman sa labas ng kagubatan. Ito rin ang nagturo sa kanya sa pakikipaglaban at sa paggawa ng mga gamot at sa paggamit ng kanyang kakayahan.
Si Rin Halesmoth ay kayang manipulahin ang kalikasan. Kaya niyang manipulahin ang mga ugat at sanga ng mga puno, ito ang kanyang natural na abilidad.
"Hmmnnnn..."
Napangisi ang binata nang makita niya ang isang Vicious Beast na pasugod sa kanya. Isa itong Lone Ape at ang lakas nito ay nakabase sa kanyang physical na katawan.
Ang mga Vicious Beast ay mababangis at sila ay nagkalat sa buong kontinente. Sila ang naninirahan sa malawak na kagubatan, bulubundukin, kapatagan, at sa ilalim ng karagatan. Nagsisilbing pagkain ang kanilang karne, ngunit maaari ring gamitin ang mga ito sa paggawa ng potions at pills ng mga alchemist. Ang iba ring parte gaya ng ngipin, matutulis na kuko, at mga buto ay maaari ring gamitin ng mga blacksmith sa paggawa ng dekalidad na mga sandata. Marami pang gamit ang katawan ng isang Vicious Beast depende na lamang kung anong uri ito.
"ROOOAARRR!!"
Umatungal ang malaking unggoy at ang dalawa nitong malalaking kamay ay pumadyak na rin sa lupa at mabilisang sumugod sa kinaroroonan ng binata.
"Hindi masarap ang karne ng mga Lone Ape kaya pasensya ka na lang."
Sa oras na tumalon ang malaking Lone Ape at nakalabas na ang mga pangil at matutulis na kuko nito ay siya ring pagpulupot ng mga ugat sa kanyang mga paa.

BINABASA MO ANG
The Hidden Prodigy
FantasíaNapakalakas noong mga panahong iyon ang pagkulog at pagkidlat. Tila nangangalit ang kalangitan dahil sa malalakas na pilantik ng kidlat na sinasamahan ng malakas na hangin. "Uwaaahh! Uwaahh!" Maririnig ang iyak ng isang sanggol at ang kaninang baba...