CHAPTER 15
Ilang oras na ang lumipas mula noong magsimula ang muling pagsusulit sa bayan ng Agriseth. Ang mga tao na nakapaligid ay lalong dumarami at ang balitang mayroong naka kuha ng perpektong puntos sa bayang ito ay unti-unti nang kumakalat na tila isang nakakahawang sakit.
"Kung nakakuha siya ng isang libong puntos sa pagsusulit na para sa mga guro, ano pa ang silbi ng pagsusulit na ito para sa kanya!"
Wika ng isang manonood at halos lahat ng tao sa labas ng malawak na espasyo ay inaprubahan ang kanyang winika. Ano pa ngaba ang silbi ng pagsusulit para sa mga estudyante kung ang taong iyon ay hindi lamang pumasa sa pagsusulit na para sa mga guro bagkus nakakuha siya ng perpektong puntos!
"Ang tanong nalang ay kung sino ang taong iyon. Paniguradong pagkakaguluhan siya ng mga naglalakihang pwersa na umiiral sa buong kontinente. Depende na lamang kung gustuhin niya talagang maging isang guro ng Phantom Academy."
Muling may isang nagsalita at ito ay malapit lamang sa kinaroroonan ni Ginoong Viro. Napabaling si Ginoong Viro sa nagsalita at maging ang maliit na itim na pusa sa kanyang balikat ay napatitig ang abo nitong mga mata sa lalaki.
Alam ni Ginoong Viro na talaga ngang gagawin ng lahat ng mga pwersa na makuha si Rin Halesmoth bilang kanilang miyembro. At sa pagkakataong iyon alam ni Ginoong Viro na kahit anumang pwersa ang salihan nito, ang pwersang iyon ay paniguradong lalago at aangat sa lahat.
"Ngunit alam ko rin na hindi mo gustong magpahawak sa kahit na anong pwersa. Kilala na kita Rin Halesmoth gaya mo ang iyong guro na talentado at hindi gustong nalilimitahan ang kanyang mga gustong gawin."
Mahinang wika ni Ginoong Viro ngunit ng maalala nito ang guro at naging lolo ni Rin Halesmoth ay napabuntong hininga na lamang siya. Tila may alam ito sa katauhan ng lolo ni Rin Halesmoth at kung bakit ginusto na lamang nitong mamuhay sa malawak na kagubatan matapos makatakas sa Dark Corner, ang lugar kung saan nakakulong ang mga mapanganib na mago.
Ang nakalimutan ni Ginoong Viro ay nasa kanyang balikat ang itim na pusa. Hindi niya alam na sa maliit na kataga lamang niya ay napagtanto ni Munting Dark na may alam ito kung sino talaga ang lolo ng kanyang Amo.
__
Si Rin Halesmoth ay mabilis na natapos sa pagsusulit. Tila isang pambatang sasagutan lamang para sa kanya ang pagsusulit na ibinigay at dahil dito kaya siya nadismaya. Kasalukuyang naka hawak ang kanyang isang kamay sa kanyang mukha. Tamad niyang pinagmamasdan ang mga kalahok na patuloy na nagsasagot.
Ang matingkad niyang berdeng mga mata ay mababakasan ng pagkabagot at ang itim niyang buhok ay inihahangin ng kaunti. Ang natural na mapula niyang labi ay kanina pa kinakagat ni Rin Halesmoth. Kinakagat niya ang pang-ibaba niyang labi at naging sanhi ito upang maging kanais-nais ang kanyang hitsura.
Tila isa siyang imahe na perpektong iniukit at idagdag pa ang maputi niyang kutis na tila kutis ng isang maharlika. Walang mababakas na sugat o peklat. Tila hindi nadadapuan ng lamok at kahit nakasuot siya ng ordinaryong damit ay hindi nito naikubli ang gwapong hitsura ng binatilyo.
"Tatlong oras na ang nakararaan mula ng magsimula ang muling pagsusulit. Ganito na ba kahirap para sa kanila ang pambatang pagsusulit na ito. Kahit pa noong limang taong gulang pa lamang ako ay kayang kaya ko na itong sagutan ng hindi lalagpas sa isang oras."
Napabuntong hininga na lamang si Rin Halesmoth at wala siyang magawa sa kasalukuyan niyang sitwasyon. Ngayon lamang siya nagsayang ng ganito kahabang oras ng walang ginagawa.
Si Owen ay matagal na ring natapos at bakas ang kumpyansa sa kanyang mga mata. Alam niyang hindi niya kayang perpektuhin ang lahat ng katanungan ngunit hindi bababa sa limampu ang kanyang hindi alam.
BINABASA MO ANG
The Hidden Prodigy
FantasyNapakalakas noong mga panahong iyon ang pagkulog at pagkidlat. Tila nangangalit ang kalangitan dahil sa malalakas na pilantik ng kidlat na sinasamahan ng malakas na hangin. "Uwaaahh! Uwaahh!" Maririnig ang iyak ng isang sanggol at ang kaninang baba...
