CHAPTER 8

871 141 23
                                    

KABANATA 8

"Ito na ba ang lungsod ng Agriseth? Hindi nga maipagkakailang isa itong lungsod dahil sa mga nagtataasang gusali at sa dami ng mga tao na naririto."

Wika ni Rin Halesmoth. Nasa himpapawid pa sila ngunit tanaw na niya ang karangyaan ng lungsod na ito. Malawak ang lungsod ng Agriseth at isa ito sa pinaka malaking lungsod dito sa kaharian ng Umwar.

Tama, ang lugar kung saan ipinanganak si Rin Halesmoth ay sakop ng teritoryo ng Umwar Kingdom. Isa lamang ang kahariang ito sa walong bansa na umiiral sa buong kontinente. Bukod sa naglalakihang walong kaharian ay marami pang umiiral na pwersa sa buong kontinente.

Gaya na lamang ng Black Lily Guild na siyang pinakamalaking pwersa na gumagawa ng mga sandata. Ang mga miyembro nito ay puro mga bihasang Blacksmith na mahuhusay sa pagpapanday.

Bukod sa Black Lily ay marami pang dose-dosenang pwersa na gumagawa rin ng mga sandata. Ang Black Lily lamang ang pinaka malaking pwersa na nangunguna sa larangang ito.

Ang Alchemist Guild na pinaka maimpluwensiya sa lahat ng mga pwersa na nagtitinda at gumagawa ng mga pills at potions. Gaya ng Black Lily ay nagkalat din ang sangay nito sa buong kontinente.

Ang Virus Auction Guild na isa rin sa pinaka malaking pwersa sa buong kontinente na maaaring pagkatiwalaan pagdating sa mga pag-auction ng mga pambihirang kayamanan.

Ang Adventurers Guild na siyang nagbibigay ng mga trabaho sa mga may gustong gawin ang ipinapagawa ng kanilang mga kliyente. Tumatanggap rin sila ng trabaho at ipinapaskil ito sa kanilang Adventurers Board upang makita ng mga may gustong kumuha ng trabaho ang presyo at kung gaano kahirap ito.

Nagkalat din ang sangay ng Adventures Guild sa buong kontinente at kadalasang dito umaasa ng kabuhayan ang maraming indibidual.

Ang pinaka malaking pwersa sa lahat ay ang Magic Council. Ang mga matataas na miyembro nito ay mga maiimpluwensiyang tao sa buong kontinente. Ang Hari ng isang kaharian ay kailangan pang mag-isip ng ilang daang beses bago ito gumawa ng aksyon laban sa Majic Council. Maging ang ibang naglalakasang pwersa ay kung maaari ayaw nilang magkaroon ng hidwaan sa Majic Council. Ngunit hindi rin sila natatakot kung ito ay nanggigipit na sa kanila.

Ang Majic Council ang siyang mayroong hawak sa Dark Corner ang pinaka malaki at mapanganib na bilangguan sa buong kontinente. Ang Dark Corner ay bilangguan ng mga naglalakasang mago, mga maiimpluwensiya ngunit nagdulot ng kasamaan sa buong kontinente. Mayroon ding mga dating hari ang nabilanggo na dito dahil sa mabigat na kasalanan.

Ang Dark Corner ay napapalibutan ng mga naglalakasang kawal ng Majic Council. Halos lahat din ng mga tanyag na Array Master sa buong kontinente ay nagtulungan upang lagyan ng patong-patong na Defensive Barrier ang lugar na iyon.

Lahat din ng mga tanyag na Beast Tamers ay nagtulungan upang magpaamo ng mga mababangis na Vicious Beast na siyang umaaligid sa ilang kilometrong lawak ng Dark Corner.

Tanging ang matataas na miyembro lamang ng Majic Council ang mayroong kakayahan na pumasok at lumabas dito. Kung mayroon ding gustong pakawalan na bilanggo ay kinakailangan na dumaan muna ito sa matinding paglilitis ng mga namumuno sa Majic Council.

Isa ang Dark Corner sa mga lugar na hindi maaaring puntahan sa buong kontinente. Kung mayroong magpupumilit na pumasok sa lugar na sakop nito ay walang ibang kahihinatnan kundi ang kamatayan.

Marami pang malalaking pwersa ang nagkalat ngunit ang mga ito ang siyang pinaka malalaking pwersa at ang siyang kailangan ng maraming indibidwal sa buong kontinente.

_

"Ito na nga ang lungsod ng Agriseth, kaibigang Rin!"

Masayang wika ni Owen at tumango naman si Rin sa kanyang sagot. Nasa tarangkahan na sila ng lungsod at dahil ang mga nagbabantay rito ay kilala na si Owen at Ginoong Viro agad silang nakapasok.

The Hidden ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon