CHAPTER 10

741 134 23
                                    

KABANATA 10

Natapos na sa pagkain sina Rin Halesmoth at masasabi niyang hindi na masama ang pagkain sa Flame Wagyu Restaurant. Lalo na ang Flame Wagyu Beef na talaga namang hindi maipagkakailang masarap.

Si Ginoong Viro ang mismong nagluto ng kanilang mga kinain. Sa pagiging isang Master Alchemist ay experto na siya sa paghahalo ng mga sangkap hindi lamang pagdating sa medicina bagkus maging sa pagluluto at paghahalo ng mga sangkap.

"Halos lahat ng inyong kustomer ay mga negosyante at ang iba ay galing sa mga mararangyang pamilya. Hindi na nga masama ang pagpapatayo ng isang kainan lalo na sa ganito kalaking gusali."

Wika ni Rin at pinuri nito ang Flame Wagyu Restaurant. Kapag sinabi niyang hindi na masama, pumasa ito sa kanyang paningin. Sadyang mataas lamang ang panukat ni Rin Halesmoth sa mga bagay-bagay dahil kung normal na tao lamang masasabing napaka magara at rangya ng Flame Wagyu Restaurant.

Isang kainan na napakalawak at maihahalintulad sa malaking mall sa normal na mundo. Ang unang palapag nito ay sapat na upang pagkasiyahin ang isang libong katao. Ang ikalawang palapag ay ang malawak na espasyo para sa mga tagaluto ng pagkain.

"Ngayong araw magaganap ang pagsusulit upang makapasok sa Phantom Academy, kaibigang Rin."

Wika ni Owen at napatango naman si Rin Halesmoth. Nabanggit na ito sa kanya noon na magaganap ang pagsusulit sa lungsod na ito ngayong araw. Ang lungsod ng Agriseth ay isa sa pinaka malaking lungsod sa buong Umwar Kingdom kaya ang magaganap na pagsusulit sa bayang ito ay hindi basta-basta.

Bawat bayan at lungsod ay mayroong ipinapadala ang Phantom Academy na mag-aasikaso sa mga gustong pumasok sa kanilang Akademia taon-taon.

Ang ganito kalaking lungsod ay paniguradong magpapadala ng dalawa o higit pang propesor ang Akademya. Sa sentro ng lungsod iyon gaganapin at kaya nagpapadala ng propesor ang akademia ay upang hindi madaya ang gagawing pagsusulit.

Sila ang nagbabantay sa mga gustong sumabak sa pagsusulit. Lahat ng labing anim na taong gulang pataas ay maaaring lumahok at kung pumasa sila ay paniguradong tanggap na sila sa isa sa limang tanyag na paaralan sa buong kontinente. Ang Phantom Academy.

Tila madali lamang ang kwalipikasyon ngunit kung nahawakan at nabasa mo na ang mga katanungan sa makapal na papel, karamihan ay hindi na nakaka-usad sa ika-labindalawang katanungan. Ang tanong ay bumibilang sa isang libo at ang kwalipikasyon ay dapat makakuha ka ng limangdaang puntos o kalahati.

Ilang milyon na ang sumubok na hindi pumasa kaya inaantay nanaman nila ang susunod na taon upang subukan muling makapasok. Sa isang libong sumusubok kadalasan ay lima lamang ang nagagawang maipasa.

Hindi biro na magkaroon ng limang daang puntos. Ang naitalang pinakamataas na grado ay Siyam na raan at limang puntos (905). Ito ang pinakamataas na puntos na naitala sa kasaysayan ng Phantom Academy at ang may-ari nito ay matagal nang nakapagtapos sa pag-aaral.

Siya ay ang kasalukuyang Hari ng Umwar Kingdom. Dalawang dekada na ang lumipas ngunit wala pa ring nakakatalo sa kanyang pinakamataas na puntos. Masasabing isa talaga siyang henyo at hindi na iyon maipagkakaila dahil sa edad niyang tatlumpu't walo kasalukuyan na siyang hari ng isang kaharian.

"Dapat na tayong magmadali, Rin, dahil sisimulan nila ang pagsusulit kapag natapos na ang oras na kanilang hinihintay. Kahit pa dalawa o tatlong tao lang ang naroroon wala silang pakealam dahil sisimulan nila ang pagsusulit anuman ang mangyari."

Paalala ni Owen at dahil ang kanilang restaurant ay malapit lang sa paggaganapan ng pagsusulit, nilakad na lang nila ito. Kasunod nila si Ginoong Viro na hindi papalagpasin na hindi makita ang pagkakataong sumabak sa pagsusulit ang kanyang estudyante.

The Hidden ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon