KABANATA 3
Kasalukuyang naglilibot si Rin at Owen sa pamilihan. Maraming tao ang kanilang nakakasalamuha at umaalingawngaw ang ingay kahit saan mang sulok ng bayan.
"Ito pala ay tinatawag na White Pimbra. Ang ganitong uri ng herb ay mahirap hanapin dahil tumutubo lamang sila sa mga matatabang lupa at nangangailangan ng maingat na pag-aalaga upang mabuhay."
Sambit ni Owen at ipinakita nito kay Rin ang pambihirang halamang gamot. Ang may-ari ng tindahan ng mga herbs ay nagmamalaki rin ang tingin at ipinakita pa ng malapitan ang White Pimbra.
"Kahit ang mga taong galing sa Noble Clan ay magkakaroon ng interes upang bilhin ito."
Mapagmalaking sambit ng tindero. Ngunit wala siyang nakitang reaksyon sa mukha ng isa sa mga binata.
Ang binatang mayroong itim na buhok at matingkad na berdeng mga mata ay walang ganang tumingin sa pinakamahal na tinda niya.
Ang binatang mayroong kayumangging buhok naman at itim na mga mata ay makikitaan niya ng sabik na expression.
"Magkano ito, Ginoo!"
Agarang sambit ni Owen dahil interesado siya sa mga halamang gamot. Marami siyang magagawa kung bibilhin niya ito.
"Sampung pilak ang halaga!"
Sabik na sambit ng tindero. Kumpyansa siyang bibilhin ang kanyang pambihirang tinda.
"Sampung pilak? wala na bang tawad iyan?"
Nag-iba ang expression ni Owen ng marinig ang presyo ng White Pimbra. Isang piraso lamang ito ngunit ito ay nagkakahalaga na ng sampung pilak!
Dapat malaman na ang isang libong Copper ay nagkakahalaga ng isang Bronze at ang isang libong Bronze ay nagkakahalaga ng isang pilak!
Ang isang libong pilak naman ay nagkakahalaga ng isang gold coin.
Ayon sa presyo nito ay masyado itong mahal. Makakabili na siya ng maraming uri ng halamang gamot kung nanaisin niya gamit ang sampung pilak.
"Ito ay isang pambihirang halamang gamot, bata. Kaya kung hindi mo kaya ang presyo ay mag-aantay na lamang ako ng taong kayang pantayan ang aking presyo."
Sambit ng tindero at nawala ang interes nito sa dalawang bata.
Ang akala niya ay bibilhin ito agad dahil ang dalawang batang ito ay mukhang galing sa isang marangyang pamilya base na rin sa kanilang hitsura.
Kaaya-aya ang hitsura ng dalawang binata kahit nakasuot pa sila ng ordinaryong damit na lalo pang bumagay sa kanila.
"Tara na Owen, ang halamang gamot na iyan ay hindi naman isang pambihira. At base sa aking nakita, iyan na ata ang pinaka pangit na White Pimbra na aking nasaksihan."
Kasuwal na sambit ni Rin bago hilain si Owen na mayroon pa ring malungkot na expression.
Ang tindero naman ay napaawang ang bibig. Hindi niya inaakalang mamaliitin ang kalidad ng kanyang ibinebentang halamang gamot.
At kung magsalita ang binata na mayroong itim na buhok at matingkad na berdeng mga mata tila ordinaryong herbs lamang ang White Pimbra.
"Sayang ang halamang gamot na iyon, Rin! Marami akong maaaring gawin dahil sa pambihirang halaman na iyon."
Malungkot pa ring saad ni Owen habang tumitingin sila sa iba pang paninda sa pamilihan.
"Ang White Pimbra ay isa lamang normal na halamang gamot. Kung gusto mo ay marami akong White Pimbra at iba pang mas magagandang halamang gamot kaysa roon."
BINABASA MO ANG
The Hidden Prodigy
FantasyNapakalakas noong mga panahong iyon ang pagkulog at pagkidlat. Tila nangangalit ang kalangitan dahil sa malalakas na pilantik ng kidlat na sinasamahan ng malakas na hangin. "Uwaaahh! Uwaahh!" Maririnig ang iyak ng isang sanggol at ang kaninang baba...