CHAPTER 11

695 134 27
                                    

KABANATA 11

Ang walang tigil na pagtipa ng pinsel at paglipat ng pahina ay natigil na rin sa wakas. Napatingin ang ibang nagsusulit dahil sa pagtigil ni Rin Halesmoth.

Ang akala nila'y tapos na ang binata ngunit nang lumingon sila sa upuan nito ay nakita nilang sinusuri ni Rin Halesmoth ang kanyang papel. Tila ngayon lamang napaisip ang binata at maging ang dalawang propesor ay napatingin sa kanyang direksyon.

Si Rin Halesmoth naman ay nasa Siyam na raan at siyam napu't siyam (999) na pahina na. Dalawang katanungan na lamang ang hindi niya nasasagutan at napatigil siya sa ika-siyam na raan at siyam napu't siyam na pahina.

Napatitig si Rin Halesmoth sa isang mataas na uri ng Vicious Beast, ang Nine Tailed Wolf. Ang lobong ito ay mayroong siyam na buntot at sila ay maituturing na alamat sa buong kontinente.

Mayroong mga nakatala sa mga libro na nagpapatunay sa pag-iral ng nilalang na ito. Kapag ang isang lobo ay naabot na ang edad na isang libong taon ay magkakaroon ito ng siyam na buntot at maaaring magkaroon ng anyong tao.

Napahinto si Rin dahil ito sa tanong na nasa siyam na raan at siyam napu't siyam. Tinatanong nito kung ano ang mabisang paggagamitan sa mga parte ng katawan ng isang Nine Tailed Wolf.

Pumasok sa kanyang ala-ala ang kanyang alipin. Ang alipin na nagbibigay sa kanya ng mga impormasyon. Isa iyong Nine Tailed Black Wolf at naging alipin lamang iyon ni Rin Halesmoth dahil siya ang tumulong dito ng malagay sa panganib ang buhay ng itim na lobo.

Labing isang taong gulang (11) siya noon ng makita ang sugatang itim na lobo. Nakaengkwentro ito ng mga hunters at malalakas na mago dahil tinutugis nila ang nag-iisang lobo. Sa pambihirang pag-iral ng Nine Tailed Wolves talagang hindi titigilan ng mga hunters ang oppurtunidad para rito. Marami ang namatay sa mga humabol ngunit sa huli nakatakas ang itim na lobo.

Dito na siya nakita ni Rin Halesmoth na nanghihina at ang siyam nitong buntot ay tila isang palamuti dahil mabalahibo at maganda ang hitsura nito. Ang nanghihinang lobo ay agad na naalerto at ang mga mata nito ay nanlilisik na nakatingin kay Rin Halesmoth.

Ang blangkong mga mata ni Rin Halesmoth ay hindi mababakasan ng takot, bagkus sumagi rito ang pagkamangha. Isang taon na ng pumanaw ang kanyang lolo at ngayon nakatagpo siya ng isang Nine-Tailed Wolf na ikinukwento lamang sa kanya noon ng kanyang lolo.

Sumagi sa isipan ni Rin nang panahong iyon ang paggamit ng Blood Contract upang maging alipin ang sugatang Vicious Beast ngunit nawala rin ito sa kanyang isip. Ang blood contract ay isinasagawa sa mga Vicious Beast at kapag naisagawa ito, kapag namatay ang amo ng Vicious Beast mamamatay rin ito.

Hindi isinagawa ni Rin Halesmoth ang Blood Contract noong panahong iyon at ang lobo na nanghihina ay matalim pa ring nakatingin sa kanya. Ngunit ng mapagtanto ng itim na lobo na tila nawalan ng interes sa kanya ang taong nasa kanyang harapan, pagkabigla ang sumilay sa kanyang mga mata.

Lalo na ng mapadako ang mata nito sa maliit na itim na pusa na nasa balikat ng binatilyo. Hindi siya maaaring magkamali, isa iyong Spacial Cat na matagal ng naglaho sa kontinente.

"Awooooo~"

Umalulong ng mahina ang itim na lobo ng tumalikod sa kanya si Rin Halesmoth na handa na sanang umalis. Tila nakikiusap ang mga mata nito na siya ay isalba at tulungan. Mababalewala ang pagkabuhay niya ng higit sa isang libong taon kung mamamatay siya ngayon. Dalawang taon na lamang at makakamit na niya ang pagbabagong anyo upang magkaroon ng katawan ng isang tao.

"Meoww"

Ang itim na pusa sa balikat ni Rin Halesmoth ay tila ipinaparating nito ang mensahe na gusto ng itim na lobo. Dahil dito napatigil si Rin nang panahong iyon at muling lumingon upang pagmasdan ang sugatang Nine-Tailed Wolf.

The Hidden ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon