CHAPTER 5

811 118 19
                                    

KABANATA 5

"Nasaan ang aking medalyon?"

Agarang bungad ni Ginoong Viro ng buksan nina Rin ang pintuan ng kanilang inupahang tirahan.

Nakalahad pa ang kamay nito at imbes na kay Rin nito hiningi ay nakatungo ang kamay niya sa maliit na itim na pusa na nasa balikat ni Rin.

Alam ni Ginoong Viro na nakay Munting Dark ang kanyang medalyon dahil ito ang nagtatago sa lahat ng gamit ng kanyang amo.

"Hindi laruan ang medalyon na ito. Maaaring marespeto ang mga tao kapag nalaman nilang isa kang Master Alchemist ngunit maraming ganid sa mundong ito."

Sermon ni Ginoong Viro ng kunin niya sa kamay ni Munting Dark ang kanyang medalyon na mayroong nakaukit na dalawang bituin.

Hindi umimik si Rin at nagkibit balikat na lamang ito. Habang si Owen naman ay tahimik lamang at tila napakainosente ng kanyang mukha.

Nagtungo si Ginoong Viro sa kanyang silid at iniwan ang dalawa. Si Rin at Owen ay nagkibit balikat lamang at saka nagtungo sa kusina upang maghanap ng makakain.

"Bilib na talaga ako sayo, Kaibigang Rin! Nagawa mong kunin ang medalyon ni guro nang hindi niya nalalaman."

Mapagmalaking sambit ni Owen at nasasabik niyang pinuri ang kanyang kaibigan.

"Si Munting Dark ay mayroong kaalaman sa espasyo kaya hindi problema ang pagpasok sa mga spacial rings."

Agarang sagot naman ni Rin na siyang nagpagulat kay Owen.

Dapat malaman na ang Spacial Ring ay ang pinagtataguan ng mga kayamanan at gamit ng isang tao. Kaya ang pagpasok ng ibang nilalang sa kanilang spacial ring ay labis na nakakatakot dahil maaari nitong nakawin ang lahat ng gamit na nasa loob nito.

Ang Munting itim na pusa na alaga ni Rin ay isang Spatial Cat na nanggaling sa Ancient Era at sa kasalukuyan, wala nang ganitong uri ng Vicious Beast sa kontinente.

Ang mga spatial cats ay mayroong bulsa sa kanilang tiyan at kayang ipagkasya kahit ilang gabundok pa ng kayamanan. At mayroon din silang kasanayan sa espasyo na kanilang natural na abilidad.

Sa madaling salita, sila ay nakakatakot na Vicious Beast at paniguradong magdudulot ng digmaan kapag nalaman ng malalakas na pwersa ang pag-iral nito.

TOK!

TOK!

Kasalukuyang inihahanda ni Rin ang kanilang kakainin ngunit magkakasunod na katok ang maririnig sa labas ng kanilang inuupahang bahay.

Napakunot ang nuo ng dalawa at si Owen ang nagbukas ng pintuan upang tanungin ang pakay ng mga ito.

Nararamdaman niyang malalakas na awra ang inilalabas ng mga ito. Kahit tinatago nila ang kanilang awra hindi makakatakas sa pandama ni Owen ang mga ito.

Pati si Rin Halesmoth na kasalukuyang ngumunguya ay pinakiramdaman din ang mga kumakatok. Maging si Ginoong Viro na nasa kanyang kwarto ay pinakiramdaman ang mga ito.

"Magandang gabi mga ginoo, maaari ko bang malaman ang inyong pakay?"

Agarang tanong ni Owen ng buksan niya ang pinto.

"Iyan ang kasama kanina ng Two Star Master Alchemist."
Ang kawal na nasa tabi ng City Lord ay agad na bumulong.

"Ako ang City Lord ng bayan na ito. Kung hindi mo mamasamain munting ginoo, maaari ba naming makausap ang kagalang-galang na Two Star Master Alchemist."

Walang pag-aalinlangang tugon ng City Lord.

"Ipagpaumanhin ninyo Ginoo ngunit masyadong abala ang aking guro."

The Hidden ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon