CHAPTER 6

862 125 16
                                    

KABANATA 6

Inilabas ni Munting Dark ang isang itim na Cauldron. Ordinaryo lamang ang panlabas nitong anyo ngunit kung susuriing mabuti, isa itong mataas na uri ng cauldron dahil sa pambihirang materyales na ginamit dito.

Bukod sa cauldron ay mayroong mga iba't ibang uri ng herbs ang inilabas ng munting itim na pusa. Tila alam na nito ang mga sangkap at hindi na kinailangan pang tanungin ang kanyang amo.

Kasalukuyang nasa loob ng isang silid si Rin at Owen. Katabi ito ng silid ni Lon na siyang anak ng City Lord.

Hindi gusto ni Rin na gumawa nang Pills sa kwarto mismo nang kanilang psyente dahil maraming bantay roon kasama na ang City Lord. Hindi nila maaaring masaksihan ang kakayahan ni Munting Dark.

"Ang una ay kontrolin ang apoy sa cauldron. Pagkatapos ay ilagay ang Vift Flower..."

Nagsimula na si Rin sa kanyang paggawa at sinusundan ni Owen ang kaniyang mga galaw.

Bawat dami ng sukat at lakas nang apoy ay nasusundan ni Owen ang paggawa nito. Pati ang pagkontrol sa enerhiya upang haluin ang mga sangkap sa loob ng cauldron ay nasusundan niya.

Patuloy sa paghalo at paglagay ng mga sangkap si Rin at parang natural lang sa kaniya ang bagay na ito. Walang mababakas na takot sa kanyang mukha dahil kampante siyang hindi papalya ang paggawa niya sa Pimbirt Pill na siyang pangontra sa lason ng isang Planthera.

Ang Pimbirt Pill ay isang bihirang Pill sa buong kontinente maging ang ibang Master Alchemist ay walang alam kung paano ito gawin.

Hindi sa hindi nila kayang gawin. Ang dahilan ay kulang sila sa formula at ang mga may alam nang formula nito ay hindi nila basta-basta ipinapasa sa iba.

"Rin, masyado nang mainit ang buong silid. Maaaring pumalya ako kung magpapatuloy pa ito."

Tumagaktak ang pawis sa katawan ni Owen at pinagsikapan niyang ituon ang isandaang porsyento ng kanyang konsentrasyon sa kanyang ginagawa.

"Huwag kang mag-alala, ilang segundo na lamang ay mabubuo na natin ang Pimbirt Pill."

Malumanay na sambit ni Rin Halesmoth at ilang sandali pa ay inilagay na niya ang huling sangkap. Umalingasaw ang mabangong halamang gamot sa loob nang silid at habang tumatagal lalong lumalakas ang amoy nito at mas lalong nakakaakit ng mga tao.

Humalo ang itim na dahon sa likidong nasa loob nang pugon. Sa pagdampi nito sa likido ay agad itong natunaw at humalo sa ginagawang Pill.

Maya-maya ay kinontrol ni Rin Halesmoth ang kanyang enerhiya at ipinadaloy niya ito sa loob nang Cauldron. Ang pulang likido sa loob nang Cauldron ay nagsimulang maghulmang maliliit na bilog at ilang segundo pa ay lumutang ang mga ito.

Ganundin ang nangyari sa ginagawa ni Owen at sinikap niyang ilagay sa loob nang isang bote ang anim na Pimbirt Pill na kanyang nagawa. Ginaya niya lahat nang galaw ni Rin Halesmoth at nagawa niya itong lahat nang tama.

Hindi maipagkakaila na siya ay biniyayaan nang talento. Isa siyang talentadong estudyante at kung hindi niya nakilala si Rin ay paniguradong hindi na siya makakatagpo pa sa kanyang henerasyon na mayroong mas mataas na talento sa kanya pagdating sa larangan ng alchemya.

"Rin... ito na ba ang Pimbirt Pill?" Halos hindi makapaniwalang sambit ni Owen habang maingat na pinagmamasdan ang anim na maliliit na Pills sa loob ng bote.

'Isang pambihirang Pill at paniguradong maging si guro ay mabibigla kapag nalaman niyang nakagawa ako nang ganito kataas na uri nang gamot.'

Sa isip ni Owen habang maingat na pinagmamasdan ang Pimbirt Pill.

The Hidden ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon