CHAPTER 2

923 135 14
                                    

KABANATA 2

Ang Phantom Academy ay isa sa limang sikat na eskwelahan sa kontinente. Bawat isang tao na nag-aaral sa eskwelahang ito ay mga talentado o 'di kaya naman ay galing sa mga maimpluwensyang pamilya.

"Rin sigurado kabang nais mong mag-aral sa Phantom Academy?"

Tanong ni Owen sa binata dahil hindi sya makapaniwala na ang binatang walang balak noon na lumabas sa kagubatan ay nais ngayong pasukin ang isa sa pinaka tanyag na paaralan.

"Hmnnn, panahon na siguro upang makihalubilo sa ibang mga tao. At nais ko ring makita kung gaano kalakas ang mga tao sa labas."

Kasalukuyang naglilinis ng gamit si Rin at ibinibigay nito kay Munting Dark ang mga gamit sa loob ng kanyang kubo.

Si Munting Dark naman ay inilalagay lahat ito sa kanyang maliit at tagong bulsa. Ito ang nagsilbing imbakan ni Rin.

Kahit pa ilang gabundok na kayamanan ay kasyang-kasya sa bulsa ng itim na pusa. Masayang inilalagay ng itim na pusa ang lahat ng gamit sa kanyang tiyan kung saan naroroon ang maliit na bulsa.

"Rin nais din kitang balaan na hwag ipaalam ang kakayahang iyan ng iyong alaga. Dapat mong malaman na ang ganyang uri ng Vicious Beast ay matagal nang naglaho sa kontinente.

Noon paman ay kakaunti na ang bilang ng mga Spatial Cats at paniguradong maraming magkaka interest nito 'pag nalaman nila na isa iyang Spatial Cat."

Babala ni Owen kay Rin dahil nag-aalala ito na baka malaman ng iba ang kakayahan ni Munting Dark.

Si Rin naman ay tumango lamang dahil alam na niya ang bagay na ito. Noong limang taong gulang siya ay aksidente lamang niyang natagpuan ang itim na pusa sa loob ng kweba.

Akala nya noon na isa lamang itong ordinaryong Vicious Beast ngunit binalaan siya ng kanyang lolo na wag ipaalam ang kakayahan nito sa ibang tao.

Bukod kay Owen at Ginoong Viro, wala nang nakakaalam ng kakayahan ni Munting Dark.

"Narinig mo 'yun Munting Dark. 'Wag mong ipaalam sa ibang tao ang iyong kakayahan dahil kung hindi ay magdudulot ito ng malaking gulo."

Sambit naman ni Rin Halesmoth sa kanyang munting alaga.

"Meowwww..."

Naintindihan naman ito ni Munting Dark.

Basta utos ng kanyang amo ay hindi siya magdadalawang isip na sundin ito.

Nang matapos sa paglilinis si Rin ay lumabas na sya sa kanyang kubo. Sa labas ay nag-aantay si Ginoong Viro at nakasandal ito sa malaking Vicious Beast na pang himpapawid.

Muling pinagmasdan ni Rin ang kanyang naging tirahan mula sa labas at napabuntong hininga na lamang sya.

"Tara na, Ginoong Viro."

Sambit ng binata at lahat sila ay sumakay na sa napakalaking panghimpapawid na Vicious Beast.

Si Munting Dark ay tumalon sa balikat ng binata at nagsimulang matulog doon. Ipinikit niya ang kanyang abong mata at wala na syang pakialam sa kanyang paligid.

Pumagaspas ang pakpak ng malaking Vicious Beast at ang katawan nito ay nagsimulang umangat sa ere.

Mabilis itong lumipad paitaas at nagsimulang tahakin ang daan palabas ng kagubatan. Ang direksyon nito ay papunta sa mga lungsod.

"Oyyy Rin, dapat ay turuan mo rin ako sa paggawa ng mga pambihira mong gamot. Bukod sa mga tinuturo ni guro ay nais ko ring matuto ng mga pambihira mong Pills."

Si Owen ay estudyante ni Ginoong Viro na isang Two Star Master Alchemist. Ang kanyang guro ay iginagalang ng mga tao dahil sa galing nito sa paggawa ng mga gamot ngunit ngayon ay nais nyang turuan siya ni Rin.

The Hidden ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon