CHAPTER 16

1.5K 140 93
                                    

CHAPTER 16

Nararamdaman ni Rin Halesmoth ang aurang nagtatago sa mga ulap. Alam n'yang malakas ang taong ito dahil halos maitago na nito ang kanyang presensya mula sa kanya.

"Ang City Lord ba ng lungsod na ito ang taong iyon?"

Tanong ng binata sa kanyang isip. Alam n'yang sa ganitong malawak na lungsod imposibleng mahihina ang naninirahan. Bawat sulok ng lungsod ng Agriseth ay paniguradong may mahahanap na experto.

Gaya na lamang ng Flame Wagyu Restaurant na pagmamay-ari ni Ginoong Viro. Ang alam lang ng iba ay isang maimpluwensyang tao ang nagtayo ng sikat na kainan ngunit hindi nila alam na ang nasa likod nito ay isang Alchemist. Hindi lamang isang Alchemist, bagkus isang Two Star Master Alchemist. Isang taong rerespetuhin saan mang sulok ng kontinente siya mapadpad.

Napaayos ng upo si Rin Halesmoth at ipinagsawalang bahala na lamang n'ya ang expertong nagtatago sa mga ulap. Wala na siyang pakialam doon dahil ang lungsod ng Agriseth ay hindi naman pinagbabawalang lumipad sa himpapawid ang mga mago o kahit anong experto. Ang tanging bawal lamang ay ang pagdadala ng malalaking Vicious Beast na maaaring makasagabal sa iba pang tao.

"Ilang oras na ang lumipas ngunit marami pa rin ang hindi tapos sa pagsusulit," sambit ni Rin Halesmoth bago muling tamad na tumingin sa kanyang paligid.

Patuloy pa rin ang pagtipa ng pinsel at paglipat ng pahina ngunit kaunti na lamang ang natitira. Karamihan ay tapos na at mababakas ang iba't ibang emosyon sa kanilang mga mata. Mayroong malungkot dahil alam niyang kaunti lamang ang alam n'ya sa mga ibinigay na katanungan. Mayroon namang masaya dahil mataas ang tiwala n'ya sa kanyang sarili, ang mga nag-aalala dahil hindi sila sigurado kung ano ang magiging resulta, at mayroon ding seryoso at walang mababakas na emosyon sa kanilang mga mata. Gaya na lamang ni Rin Halesmoth na tila hindi malaking kaganapan ang pagsusulit na isinagawa ng Phantom Academy.

"Ang lahat ng papasa sa pagsusulit na ito ay magiging opisyal nang mag-aaral ng Phantom Academy. Paniguradong magiging maganda ang hinaharap ng sinumang papasa sa pagsusulit lalong-lalo na kung magpupursige pa siya at makakakuha ng matataas na grado sa loob ng Academya!"

Malumanay ngunit rinig na rinig ang sinabing iyon ni Propesor Fang. Napatingin sa kanya ang lahat ng sumali sa pagsusulit at naging seryoso rin ang kanilang expresyon.

"Sa pagpasok n'yo sa loob ng Academya makikilala n'yo ang iba't ibang estudyante, mga henyo sa bawat sulok ng Umwar kingdom, karatig na kaharian, at kung saan mang pwersa na umiiral sa buong Kontinente!"

Nagising ang dugo ng mga lumahok sa pagsusulit, alam nila ang bagay na ito ngunit kahit gano'n nagkakaroon pa rin ng pananabik sa kanilang mga mukha. Hindi biro ang makapasok sa isa sa pinaka sikat na Academya na umiiral ilang libong taon na sa buong Kontinente.

Paniguradong paglabas nila ng Phantom Academy magiging madali na lang ang paghahanap nila ng trabaho at magkakaroon na rin sila ng impluwensya sa mga taong nakilala nila sa loob ng Academya. Sigurado na ang maganda nilang hinaharap dahil kilala ang mga nagtapos sa Phantom Academy bilang mahuhusay at magagaling sa mga larangang kanilang napili.

"Dahil tapos na ang lahat sa pagsusulit hindi na natin patatagalin pa ang kaganapang ito. Dumidilim na rin ang paligid at ilang oras na lang bago lumubog ang araw." Wika ni Propesor Fang bago ipasok sa kahon ang huling bulumbon ng papel, kasunod nito ang isang medalyon na siyang magpapagana sa mga mechanism sa loob ng kahon.

Gawa sa pambihirang materyales ang kahon kaya hindi ito madaling mabubuksan kahit pa gamitan ng pwersa.

Ilang saglit pa lumitaw ang napakalaking Screen sa kanilang harapan. Nagsimulang lumitaw ang paisa-isang pangalan ngunit sa paglipas ng segundo ay pabilis nang pabilis ang paglabas ng pangalan sa malaking Screen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hidden ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon