LEVEL 6: Utak, Overload

1.2K 43 31
                                    

Apple's picture on the side with her guitar :"3

-------------------

LEVEL 6: Utak, Overload

Apple/Fate's POV:

Ayoko!!! Ayokong pumasok TT__TT

Sigurado ako aasarin lang ako ng lahat lalo na niyan ni Ceyx. Nakakahiya talaga 'yung nangyari kahapon TT_TT

*FLASHBACK*

"Ano miss Fate? Itutuloy mo ba ang flames o ibabagsak kita sa behaviour?"-- sabi ni ma'am.

GREAT. JUST GREAT.

"Ituloy mo na Fate."-- sabi ni Ceyx nang may nakakalokong ngiti.

"AISH!!!"-- naihilamos ko na lang sa mukha ko ang dalawa kong kamay. BADTRIP NAMAN OH!

"Crush mo pala ako?"-- tanong ni Ceyx sa akin habang katabi ko siya.

Dug dug dug

Hala kinakabahan ako. Ano bang sasabihin ko?!

"O-oy hindi ahh! Tch."-- sabi ko sabay tinuloy ko na 'yung flames na bwiset na 'yan habang nanginginig 'yung kamay ko.

"Haha! Fate ano ka ba, huling huli ka na tapos tatanggi mo pa."-- nakangiting sabi ni Ceyx. WAAH ang gwapo niya >O>

"Tinatry ko lang naman iflames ang pangalan ko sa lahat ng kaklase nating lalaki eh!"-- sabi ko naman. DEFENSIVE.

"Oh talaga? So nasaan na yung name nung iba?"-- nakakalokong ngiti ni Ceyx.

"W-wala... ikaw ang inuna ko ehh!"-- sabi ko habang nakayuko.

"Yun oh! Ehh di ako talaga ang inuna mo kasi may gusto ka sa akin."-- sabi niya sabay hampas sa desk niya. Bakit ba ang lapit ng mukha niya sa akin?!

"WALA NGA! KULIT MO!"-- sabi ko sa kanya habang nakayuko pa rin.

"Hah! Talaga lang huh?"-- sabi niya habang natango tango pa. I can see him in my peripheral vision. Ako naman, nahigpit na 'yung hawak ko sa ballpen ko. Grabe pinagpapawisan ako ng malamig. Nakakahiya 'to!!!

"Talaga! Hindi ako magkakagusto sayo!"-- sabi ko naman, AISH. Ano ba 'tong nalabas sa bibig ko?!? >_<

"Okay. Okay lang naman na ayaw mong aminin ehh... pausot, accepted. But we'll see..."-- he smirked then lumipat na siya ng upuan.

*END OF FLASHBACK*

AYOKO PUMASOOOOOK TT.TT

Sana... sana makalimutan ni Ceyx. Sana talaga huhu TToTT

"FATE! GISING NA TANGHALI NA! MAY PASOK KA PA!"-- nakatatok na si mommy sa kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto...

"MOMMYYY... AYOKO PUMASOK!!! UWAAAAH!!!!" TTOTT

---

Oenone's POV:

"So iniyakan ni Tyrone 'yung lugaw na ginawa mo?!"-- nagtatakang tanong ni Lychee.

"O-oo. Ata? Ewan. Baka may gusto na rin siya sa akin bwahahahaha!!!"-- tuwang tuwang sabi ko kay Lychee. Naikwento ko na kasi sa kanya ang lahat (mula sa pagpapanggap na girlfriend ni Tyrone hanggang sa champorado moment) pero hindi pa kay Apple. Wala pa siya eh... wag mong sabihing aabsent 'yun?!? >O<

"Kapal. Baka naman umiyak kasi baka masira mo pa 'yung appliances nila sa bahay nila kapag nagluto ka pa ulit?!"-- pangongontra ni Lychee. Napakatalaga nun! >___<

"Napaka mo!"-- sabi ko sabay binatukan ko siya. MWAHAHA.

"Aray naman..."-- sabi ni Lychee sabay himas sa ulo niya na binatukan ko. Oo nga pala, si Lychee ang nagdala kahapon nung bag ko sa bahay. At kung tatanungin niyo kung anong idinahilan ko sa kuya ko, wala akong idinahilan. BWAHAHAHA. Bakit? Ehh may gusto si kuya kay Lychee ehh! Nung nakita niya si Lychee tulala na siya bwahahaha. Oyy secret lang 'yun. Di alam ni Lychee na may gusto sa kanya ang kuya ko >O>

SHET. Ang Ganda ko! [Ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon