LEVEL 25: Long Distance

455 16 4
                                    

KUNG MAGANDA KA BASAHIN MO 'TO!!!!  Dalawa pong chapter ang inupdate ko last time. Baka po nakaligtaan nyo yung level 23: ugly hurts. Pakibalikan kung hindi niyo pa nababasa thanks!

- angel

-------------------------------------------

LEVEL 25: Long Distance

Apple/ Fate’s POV:

Maaga akong gumising para pumasok sa school. Hindi dahil sa may klase ako since weekend ngayon. Kung hindi dahil kailangan kong magpractice sa music room. Namiss ko kasi ang pagtugtog ng piano and other instruments na kaya kong tugtugin. Ayoko namang mag-ingay  dito sa bahay kasi tulog pa yung iba kong kasama dito.

Pagdating ko sa school, dumiretso agad ako sa music room at agad na pinatugtog ang phone ko tapos sinabayan ko yung kanta sa pagtugtog ng piano. Pero napahinto ako nang may kakaiba akong naramdaman.

Natatae ako…

JOKE.

Feeling ko may ibang tao sa kwartong ‘to maliban sa akin.

Pinatay ko din ‘yung tugtog ng phone ko. Tumahimik ako at nakiramdam sa paligid ko. M-medyo natatakot na ako.

Sobrang tahimik ng lugar pero may naririnig akong paghinga. Sigurado akong hindi ako ‘yun dahil hindi naman siya sabay sa paghinga ko. Sinubukan kong pigilin ang paghinga ko to confirm na hindi nga sarili ko lang ang naririnig ko. At tama nga ako, hindi nga ako ‘yun.

Nagsimula nang magsitayuan ang balahibo ko. Inikot ko ‘yung mata ko para makita ko kung sino man ‘yun o kung ANO man ‘yun. At halos mailuwa ko ang bituka ko nang may nakita akong lalaking nakayuko sa likod ng drum set.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!!!!!!!”-- I freaked out. Oh Diyos ko ‘wag niyo po akong pabayaang mamatay ngayon. Wag naman po sanag multo ang maging dahilan ng kamatayan ko.

“WAAAAAH!!!”-- papaiyak kong sigaw pero naputol ito nang bigla siyang nagsalita.

“HOY ANO BA ANG INGAY MO AH!”-- tumangila siya at nakita kong may hawak siyang alak. Ang tatak ay Beer-Gin. XD

Natauhan ako nang makita ko ang mukha niya,”C-Ceyx?!”

“ANONG GINAGAWA MO DITO?! AT BAKIT MAY HAWAK KANG ALAK?! BALIW KA BA?! BAWAL YAN SA SCHOOL PREMISES!”-- tuloy ko pang sigaw sa kanya.

“Psh! Kanina mapayapa ang buhay ko! Tapos dumating ka! Badchrip talaga!”-- halata sa pananalita niya na lasing na siya.

“Ano ba kasing ginagawa mo dito?!”-- pag-uusisa ko.

“Nainom. Obvious ba? Lika dito. Samahan mo ko.”-- sabi niya sabay tapik sa tabi niyang pwesto-- sinyales na umupo ako doon.

Tumayo ako at umupo doon sa tabi niya,”Sasamahan lang kita pero di ako iinom. Ayoko niyan eh.”

“Eh di wag!”-- sabi niya sabay tungga ulit doon sa “beer-gin” niya. -_- Ano ba namang klaseng pangalan ng alak yan -_-.

“May problema ka ba?”-- tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot.

Halata sa kanya na may problema siya. Dalawa lang naman ang dahilan ng isang lalaki kung bakit siya iinom eh. Kung may kasama sila, gusto nilang magsaya. Pero kung mag-isa lang siya, gusto niyang makalimutan ang problema niya.

“Babae ba?”-- mahinahon kong sabi sa kanya.

“Fate, bakit mo ko nagustuhan?”-- pag-iwas niya sa tanong ko.

SHET. Ang Ganda ko! [Ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon