LEVEL 14: She is Cazie
Oenone's POV:
Nagmamadali akong bumaba mula sa kwarto ko. Nagbabakasakaling naandito pa din si baby Tyrone ko.
Tumakbo ako kaagad sa guest room pero wala siya doon, sunod naman, tumakbo ako sa kusina... pero imbis na siya ang makita ko, si papa at si kuya ang naandoon.
"KUYA!"-- sigaw ko kay kuya Andrei.
Napatigil siya sa pagtetext at tumingin sa akin,"Bakit?"
"Uhm... err... m-may..."-- nakuuu lagot! Kapag sinabi kong may lalaki akong pinatulog dito, sigurado akong lulutuin nila ako dito ng buhay.
"May ano?"-- tanong ni kuya
"May tao ka bang nakita dito kanina?"-- tanong ko. Bigla namang namutla si kuya...
"T-tao??? B-bakit??? M-may... may nagpapakita ba sayo dito??? M-may multo ba???"-- halata sa mukha niya na natatakot siya. Ohh... kay? Mukha namang wala siyang alam na nagpunta dito si baby Tyrone.
"Ah wala, nevermind!"-- napaaga ata ang alis ni baby Tyrone. Dinala niya kaya yung couple shirt na niregalo ko sa kanya? Siguro naman dinala niya yun kasi wala naman akong nakitang ibang gamit sa guest room bukod sa gamit na nandoon na talaga.
Kumain na ako tapos naligo. Syempre nagbihis na din ako ng ohh so beautiful uniform ko na nagmana sa kagandahan ko.
Kinuha ko ang bag ko at nakita ang notebook na ibinigay sa akin ng principal na pagsusulatan ko ng novel. WATDAPAK! 2 chapters pa lang ang nagagawa ko TT____TT. Napakababaw naman kasi ng may akda, bakit sa lahat naman ng pwedeng iparusa sa akin, yun pa!!! Nakakainis!
Tinignan ko ang relo ko, malapit na magbell kaya naman kumaripas na ako ng takbo.
Ilang sandali lang ehh nakarating na ako sa school.
*PHEW!* Akala ko late na ako. Buti na lang nakaabot xD
Pagkapasok ko naman sa loob ay biglang may babaeng humarang sa daan ko...
"Hi panget!"-- she grinned.
"Kung pangit ako, mas pangit ka. Tabi nga!"-- pinilit kong makalagpas sa kanila pero kung saang side ako pupunta, nagsstep siya sa side na 'yun kaya naman hindi ako makaalis.
"Cazie pwede ba?!?"-- inirapan ko siya. And yes, si Cazie nga ang epal na babaeng nangharang sa maganda kong daan.
She smirked,"Listen to me Oenone, first... I don't know what Tyrone saw with you at nagustuhan ka niya, second, I don't know and I can't see any reason for me to like an ugly creature like you, third, I don't know why you are friends with Lychee and Fate since they are considered as Goddess of this school, but there are things I am sure about..."-- naglean siya sa akin.
"You're an attention seeker, a fake friend, gold digger, at higit sa lahat... mang-aagaw!"-- she whispered to my face. Ramdam na ramdam ko ang galit sa pananalita niya, teka, ano bang ginawa ko sa kanya?!?
Tinulak ko siya palayo sa akin,"Ayaw kitang pagsalitaan Cazie, pero may isang bagay lang akong gustong malaman..."
Ginamit ko ang seryoso kong boses at expression na never ko pa atang nagamit. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya pero tinuloy ko pa rin ang pagsasalita ko,"Ano bang ikinagagalit mo sa akin?"
"Hah! Ha-ha-ha! Seriously?!? Tinatanong mo sa akin 'yan?!? Ang slow mo talaga noh? Ang tanga mo talaga! Alam mo ang hindi ko maintindihan??? Paano mo nakuha ang atensyon ni Tyrone ng ganun ganun na lang?!? Paano mo siya naging boyfriend samantalang ako, ang tagal kong nagpapansin sa kanya??? Paano nakuha ng isang pangit na kagaya mo ang tulad niya?!?"-- inis na inis niyang sabi. Kita ko sa mga mata niya ang sakit, pakiramdam ko, ako siya. Ganoon naman talaga ang sitwasyon ko di ba? Pareho lang kami ng sitwasyon. Sa katunayan nga, mas maswerte siya kasi minahal siya ni Tyrone ng totoo, ehh ako?!? Hanggang pagpapanggap lang kami. Hindi kasi maintindihan ni Cazie, hindi niya kasi alam na napapanggap lang kami.
BINABASA MO ANG
SHET. Ang Ganda ko! [Ongoing series]
HumorAng istoryang ito ay para sa mga magaganda, feeling magaganda, kunyaring magaganda, pang beauty queen ang ganda, maganda pero hindi pinapansin ng crush niya, maganda at nagpapapansin sa crush niya, assumerang maganda at pahumble na maganda. Dahil an...