LEVEL 24: Topher

478 17 3
                                    

NOTE: I updated two chapters in a row. Baka nahakbangan niyo yung isang chapter so go back kung hindi niyo pa nababasa ‘yung level 23: Ugly hurts.

P.S.: Sikat ang hashtag ngayon sa mga television shows. So may hastag din ako. #anggandako CHAROT AHAHA. CHE.

-angel

LEVEL 24: Topher

Tyrone’s POV:

“Shit!”-- I murmured nang hindi ko mahanap si Kokey.

Just shit.

Hindi ko alam kung ano na ang mukhang ihaharap ko sa kanya. Pero teka? Bakit naman ako namomroblema tungkol sa kanya? Psh. Si Kokey lang naman ‘yun.

“Hey bro! Anong ginagawa mo dito sa labas? Doon tayo sa loob! Minsan lang ang prom eh!”-- nagulat ako nang biglang umakbay sa akin si Ceyx na may kasamang babae.

Hindi na lang ako nagsalita at sumama sa kanya papasok sa school habang nakatingin pa rin sa labas, nagbabakasakaling makita ko si Kokey.

“Ay bro, si Jana nga pala.”-- pakilala ni Ceyx sa kasama niyang babae sabay hinalikan niya ito sa cheeks.

Teka? Akala ko ba seryoso ‘to dun sa nililigawan niya? Tch.

Tinanguan ko lang ‘yung Jana. Maya-maya ay nakarating na kami sa school at umupo kami doon sa table namin kanina.

“Ceyx. Akala ko ba seryoso ka doon sa nililigawan mo? At saka pwede wag mo ko akbayan? Nakakairita eh.”-- bulong ko sa kanya.

Agad naman niyang inalis yung kamay niya sa balikat ko at tumingin siya kay Jana,”Babe, makisayaw ka muna doon oh.”-- sabay turo niya sa dance floor,”May pag-uusapan lang kami nito ni Tyrone.”

“Okay!”-- masiglang sabi naman ni Jana.

Nang makaalis na si Jana, nagsalita ako,”Oh ano na nga?”

He took a deep breath,”Busted.”-- sabi niya sabay fake smile.

“Ikaw? Ceyx? Mabubusted? Haha. Nakakatawa naman.”-- I said habang pinipigilan ang tawa ko.

“Ayaw pa daw ng parents niya eh.”-- umiling-iling siya at uminom ng wine,”Grabe pare, paasa.”

“Sino ba kasi ‘yang nililigawan mo?”-- mausisa kong tanong.

“Shane, bro. Shane Moreno.”-- sabi niya sabay inom ulit ng wine.

“Shane?! ‘Yung kasali dati sa beauty contest dito sa school?”-- paglilinaw ko.

“Oo. Siya nga.”-- sagot ni Ceyx.

Natawa ako,”Eh bro, natalo nga yun ni Fate eh. Hahaha.”-- pabiro kong sabi saka uminom na din ng wine na nasa table namin.

Umiling lang si Ceyx, halatang naasar siya sa biro ko.

“Bro, what I mean is, may gusto sayo si Fate. Obvious naman ‘yun. Kaya kung ako sa’yo, kay Fate ka na lang.”-- sabi ko sa kanya saka uminom ulit ng wine.

“Ibig sabihin kung sino may gusto saken doon na ako sasama? Ayos ka lang bro? Eh ni ikaw nga di mo magawa gawa yang payo mo eh.”-- sabi niya sabay tayo sa upuan at pumunta sa dance floor. Sinundan ko siya ng tingin at mayroon siyang nilapitan na ibang babae. Napailing na lang ako.

Inisip ko ‘yung sinabi sa akin ni Ceyx. Tch. Iba naman ang kaso ko sa kaso niya. Si Fate, catch na catch yun kumpara kay Ceyx. Maganda at matalino. Better kumpara kay Shane. Eh si Kokey?

“Hindi siya matalino, hindi din siya maganda… pero kakaiba siya.”-- bulong ko. Eh teka? What? Kakaiba? Ano daw sabi ko? Ah tama! Kakaiba siya… dahil alien sya. Bwahahaha.

SHET. Ang Ganda ko! [Ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon