LEVEL 19: New Friend

790 33 23
                                    

mustread: Guys, may lilinawin lang ako na isang impormasyon na napakaimportante dito sa istorya. Hindi po si Ayo ang first kiss ni Tyrone. Sa chapter 1, may kahalikan si Tyrone na babae dun habang sinusundan siya ni Ayo di ba??? Yun yung reason kaya siya sinabihan ni Topher ng martyr. Check niyo.

- angel

-----------------

LEVEL 19: New Friend

Oenone's POV:

Napailing ako sa thought na yun. Ano ba 'tong iniisip ko?! Maraming kaboses ang nanay ko kaya imposibleng mangyari yun!!!

"Ah... si Oenone nga po ito."-- sagot ko pero ang narinig ko na lang ehh yung pagbaba niya ng telepono. Siguro nainip. Ang bagal ko kasing sumagot eh. Sino naman kaya yun???

Ibinulsa ko na lang yung phone ko at naglakad na ako papunta sa silent garden-- ang lugar na hindi ko pa napupuntahan since hinahanap ko nga si Cazie.

At pagpunta ko dun, hindi nga ako nagkakamali, dahil naandoon siya habang nakasandal sa puno at nag-iiiyak. Nanglaki ang mga mata ko nang makita kong hawak niya yung couple shirt ko... na punit punit na O.O

"CAZIE!!!"-- sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanya.

Tinignan ang niya ako ng masama at nagpatuloy na sa pag-iyak. Lumapit ako sa kanya at tumabi ako sa kanya,"Hoy Cazie! Bakit ikaw ang naiyak? Di ba dapat ako?!?! Kase aking coupleshirt yung nasira?!"

She looked the other way,"Get lost."

"IKAW NA LANG!!!"-- I made faces.

Pinunasan niya ang luha niya at tumingin siya sa akin ng galit na galit,"NAIINIS AKO SAYO!!!"-- sabi niya habang dinuduro ako.

"KASE KAHIT NAPAKAPANGIT MO NAMAN AT ANG CHEAP MO MANAMIT AT KUMILOS, LAHAT GUSTO KA!!! LAHAT NA LANG KINUHA MO!!!"-- I saw pain in her eyes. Ano bang nakain nito at naiyak to?!

"Kanina, ikaw na naman ang kinampihan ni Tyrone habang nag-uusap kaming dalawa!!! Leche. Hindi mo alam kung anong pinakain mo sa kanya at nagustuhan ka niya!!! Anng gayuma ba ang gamit mo hah?!?! ANO?!?!"-- sigaw niya at saka niya ako kinuwelyuhan at itinayo. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Baka suntukin niya ako at mabawasan ang ganda ko.

"C-Cazie...."-- takot kong sabi.

"ANO?!?! NATATAKOT KA?!?! LUMAYO KA NA KAY TYRONE!!! IWAN MO NA KASI SIYA!!!"-- galit na galit niyang sigaw sa akin.

"Cazie huminahon ka nga!!!!"-- itinuak ko siya saka ko inayos ang kwelyo ko.

Tuluy-tuloy lang sa paghagulgol si Cazie tapos napaupo na siya sa ground habang nabulong bulong at nailing iling,"Ang daya kasi ehh... ang daya daya mo."

Nakita ko ang sarili ko sa kanya. Hindi ba dapat ako ang maging ganito? Kasi ako, never naman talaga ako minahal ni baby Tyrone ehh.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at pinat ko ang likod niya,"C-Cazie..."

"B-bakit kasi g-ganun???"-- sabi niya habang nagsosob.

"Kung sino yung gusto mong maging sayo, ayaw sayo. Ayo, ang hirap magpanggap ehh! Sobrang hirap! Oo, mahal ko talaga si Tyrone at sorry nagsinungaling ako sayo. Ayoko lang kasing magmukhang kawawa sa harap mo ehh..."-- tuluy-tuloy pa rin siya sa pag-iyak.

In return, parang nasaktan din ako. Mahal niya pa din si Tyrone. Mahal pa din siya ni Tyrone. Ano ako dito??? Paepal sa storya nilang dalawa?!? Dapat ba lumayo na rin ako kay Tyrone?!? Kasi ganun naman pag mahal mo ang isang tao di ba??? Handa kang masaktan para lang sumaya siya.

SHET. Ang Ganda ko! [Ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon