LEVEL 17: Oh no!

763 26 8
                                    

Dedicated sa aking oh so sweet baby elle!!!! Basahin niyo story niya ang ganda promise *O*

I'm not satisfied with this update haha. Sorry kung sabaw. Sana magustuhan niyo pa din :*

- angel/ ar-ey

--------------------------

LEVEL 17: Oh no!

Oenone's POV:

"Sa akin sasabay.... ang GIRLFRIEND KO!"-- nagulat ako nang bigla akong hatakin ni baby Tyrone papalayo kay Topher.

Asusus. Possessive ang boyfriend ko! MWAHAHA.

Dinala niya ako sa kotse niya,"Sakay!"

Agad naman akong sumunod sa utos niya at sumakay sa front seat.

Pagkasakay namin sa kotse niya, nakasimangot pa rin siya. Teka... nagseselos ba siya?! BWAHAHAHA.

Napangiti ako at tinusok tusok ko ang tagiliran niya habag nagdarive siya,"Uyyyy si baby Tyrone! In love ka na rin sa akin noh?! Sabi na nga ba! Kasi naman... sobrang napakaganda k--"

Biglang ipinreno ni Tyrone ang kotse niya. Ang lakas ng impact sa akin. Buti na lang may seatbelt ako.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba, akala ko tatama ang ukha ko sa mirror ehh! Nako! mababawasan ang kagandahan kong abot hanggang langit ang level.

"ANO KA BA NAMAN KOKEY!!! BAKIT BIGLA KANG NAGSASALITA NG GANUN?! NAGULAT TULOY AKO! HOY! HINDI KA BA NAKAKAHALATA NA BAKA NABUBUKING NA TAYO NUNG CHRISTOPHER  BA ANG NAME NUN NA FAKE LANG TAYO?!?! KAILANGAN KO LANG GAWIN TO! WAG KANG ASSUMING!!!"-- inis na sabi niya sabay pinaharurot ulit ang kotse niya.

Bakit kasi kailangan pa niyang gawin 'to?! Bakit kailangan pa naming magpanggap??? Siguro kasi... mahal pa niya talaga si Cazie. Siguro kasi... gusto niyang ipakita kay Cazie na nakapagmove on na siya. WAAAH ANG GULO!!!

Biglang ang flashback sa akin yung nangyari kanina.

*FLASHBACK*

Biglang sinunggaban ni Cazie ang buhok ko

Halatang sanay sa sabunutan si Cazie, feeling ko, lagas na lagas na ang buhok ko sa kanya. Ang sakit na ng anet ko pero magpapatalo ba naman ako?!?!

Nakayuko na ako at hindi ko na maabot ang ulo niya para gantihan siya ng sabunot kaya naman sinikmuraan ko na lang siya. MWAHAHA.

Agad namang napalayo sa akin si Cazie habang hawak hawak ang sikmura niya.

"A-aww..."-- halata sa mukha niya na nasasaktan na siya.

"C-cazie..."-- naawa naman ako kaya naman nilapitan ko siya pero hinawi niya ako.

"YOU BTCH!!!! IBALIK MO NA SA AKIN SI TYRONE!!!"-- galit niyang sabi.

*END OF FLASHBACK*

Ibalik ko na daw sa kanya si Tyrone...

Napatingin ako kay baby Tyrone...

Dapat na nga ba kitang ibalik sa kanya kahit na hindi ka naman naging akin???

Pero bigla akong napailing ang may bigla akong naalala....

*FLASHBACK*

Naglalakad ako sa hallway at nakasalubong ko si Cazie.

Nagkaroon kami ng pagtatalo kaya naman hindi na ako nakapagtiis.

Huminga ako ng malalim,"Cazie, mahal mo pa ba si Tyrone?"

SHET. Ang Ganda ko! [Ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon