[a/n; Hi guys. I came up with this story dahil pati ako ay nakakarelate dito ng KONTI LANG NAMAN HAHA. This story ay para sa mga babaeng non-existent sa ibang tao. Yung kahit anong effort mo ehh hindi manonotice ng iba. At higit sa lahat ang istoryang ito ay para sa lahat ng magaganda... or feeling maganda, pwede na. XD]
Thanks sa nagbasa!!!! Godbless!]
- angel Ganda. WAHAHAHA
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
SHET. ANG GANDA KO!
Written by: iamANGEEEL
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
PROLOGUE: *Bakit ang hirap maging maganda?*
Lahat sila nagtitinginan sa akin...
SHET. ANG GANDA KO!
Dadaan lang ako, ako na agad ang papansinin nilang lahat..
SHET. ANG GANDA KO!
Pati profile picture ko sa facebook... madaming nagcocomment...
SHET. ANG GANDA KO!
At higit sa lahat...
Lahat nababaliw sa ngiti ko...
SHET. ANG GANDA KO!
---
Ako si Oenone. (Pronunciation: a yo now ni). Sabi ng nanay ko... dapat daw ang pronunciation ng name ko ay (o wi now ni) kaya lang malakas trip niya kaya nagiba. XDD. Pero bago yan let me tell you something.... Maganda ako...
JOKE!
Hindi ako maganda...
Nagfeefeeling lang.
Oo lahat sila natingin sa akin... kasi kapag kasama ko mga friends ko, pwede ka nang kumanta ng 'alin ang naiba'. Dahil naiba talaga ako! Pareho kasi silang maganda.
Dadaan lang ako, ako na agad ang papansinin nila.-- yah. Tama! Kasi akala nila, totoo si kokey.
Oo tama din ang sinabi kong maraming nagcocomment sa profile picture ko sa facebook...
Puro ganito ang comment:
Who is she?
Tao ba yan?!
Ang panget dre!
Mukhang alien!
Uso ba si kokey ngayon?!?
Tao ba yang nasa picture?!?
Oo maraming namamatay sa ngiti ko. Namamatay sa kakatawa dahil sa itsura ko.
Alam ko pangit ako. Pero tama bang idown ko pa ang sarili ko?!?! Di ba mas maganda kung tataasan ko ang self confidence ko?!? Kaya tuwing haharap ako sa salamin... eto lang ang masasabi ko...
SHET. ANG GANDA KO!
"Hoy kokey! Ang bagal mo ahh! Bilisan mo nga! Kung hindi lang kita kagrupo sa play na 'to... iniwan na kita!!!! Panget!!!"-- sigaw sa akin ni Tyrone, school hearthrob.Half Italian, half Filipino. Mayabang, antipatiko... at crush ko wahahahaha xDD
Sabihan ba daw ako ng panget?!?
"Maganda naman ako ahh?!?"-- pagrereact ko.
"Kapal mo! Ang pangit mo oy! No offense hah... pero tigilan mo na ang pagkagusto sa akin kasi hinding hindi ako papatol sayo kase ang pangit pangit mo!!!"
Kahit feeler ako... nasasaktan pa rin ako...
Kahit mukhang alien ako... tao pa rin ako...
Pero pinapangako ko... gaganda rin ako...
At masasabi ko na sa lahat...
Na SHET. Ang ganda ko TALAGA NOH?!?
BINABASA MO ANG
SHET. Ang Ganda ko! [Ongoing series]
HumorAng istoryang ito ay para sa mga magaganda, feeling magaganda, kunyaring magaganda, pang beauty queen ang ganda, maganda pero hindi pinapansin ng crush niya, maganda at nagpapapansin sa crush niya, assumerang maganda at pahumble na maganda. Dahil an...