LEVEL 15: The Playboy

806 23 9
                                    

LEVEL 15: The Playboy

Oenone's POV:

1st day ng practice namin para sa play ngayon. Nakakainis nga ehh! Hindi kasi ako ang leading lady ng baby Tyrone ko! >___< Feel na feel tuloy nung Cazie na 'yon na siya yung leading lady! Nakakainis!!!

"KOKEY PWEDE BILISAN MO ANG KILOS?!?"-- I was back to my senses nang bigla akong sigawan ni Tyrone. 

"Ah eh... coming!"-- sigaw ko agad agad. Nakakainis 'to si Tyrone! Paano maniniwala ang mga tao na kami kung ganyan siya makaasta sa akin?! Masyado ba siyang nadidiri sa itsura ko ehh ang ganda ganda ko naman!

Since wala pa naman ako sa scene, taga hawak lang muna ako ng props. Ayokong tignan yung scene nila ni Cazie. Maiirita lang ako.

Habang umaarte si Cazie doon, nagmamake faces lang ako. Ancheche! Feeling niya maganda siya eh mas maganda naman ako sa kanya! Puro tapal lang ng pintura yung pagmumukha niya! Ang make up, ginawa to enhance your flaws, not cover them! Ehh siya eh oh, parang inubos yung isang buong concealer at foundation sa pagmumukha niya!

Natapos ang practice nila ng scene. Medyo awkward si baby Tyrone ko dahil nga ex-girlfriend niya nga kaeksena niya. Paano hindi pa pumayag na ako na lang ang kapartner niya!

Break time muna namin sa scene. Mag 4:00 pm na at gusto ko ng umuwi. 3:00 kasi ang uwian namin ngayon kaya nakapagpractice kami after dismissal. Ay nako naman nakakainis eeh! Gusto ko ng umuwi dahil nabibitter lang ako sa drama namin TT_____TT

Nanalamin muna ako. Shet. Ang ganda ko!

Hinaplos ko ang buhok ko. Ang lagkit. >___<

Hinimas ko ang psngi ko. Baku-bako. >___<

Hinaplos ko ang balat ko. Ang dry >___<

Teka, kailan pa ako naging concious sa itsura ko?! Ehh napakaganda ko kaya!

"Want some make up?"-- halos nagulantang naman ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Si Cazie pala.

"I don't need that."-- I rolled my eyes heavenwards.

"You badly need this."-- ngisi niya sabay abot sa akin ng make up kit niya.

Inabot ko iyon ar siya naman, umalis na.

Binuksan ko yung make up kit niya. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Binuksan ko yung foundation...

Lagay

Lagay

Lagay

Binuksan ko yung blush-on.

Lagay

Lagay

Lagay

Binuksan ko yung lipstick

Pahid

Pahid

Pahid

Binuksann ko yung lip balm

Pahid

Pahid

Pahid

Kinuha ko yung curler ng pilikmata.

Curl

Cur--

WAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!!!!!!!!!!

NAPUTOL!!!

NAPUTOL YUNG PILIKMATA KO!!!

UWAAAAAAAAAAAAA!!!

SHET. Ang Ganda ko! [Ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon