Haha pretties, wag excited sa make over ni Ayo. Kapag ginawa ko kaagad yung make over niya, magiging 20 chapters lang to? TT_TT ang ikli nun. Kaya medyo matagaaaaaal pa talaga siya. Sige mainis lang kayo kay Tyrone dyan xD pero pretties, may dahilan ang LAHAT.
- angel
-
Nakita ni Cazie na kinakausap ni Topher si Ayo. Nagsmirk siya,"Nicely done."
LEVEL 9: here's Ayo's chapter 2
"Ay teka Topher? Narinig mo ba lahat ng pinag-usapan namin ni Tyrone?"-- naku. Lagot. Kapag narinig niya, ibig sabihin, alam na niya na nagpapanggap lang kami ni Baby Tyrone!!!
"Ah hindi naman. Narinig ko lang jung sinabihan ka niyang pangit."
"Ahh ganun ba?"-- walang gana kong sagot.
"Wag mo na lang siyang intindihin"-- sabi ni Topher sabay ginulo ang buhok ko.
"Sige aalis na ako Topher. Mag-uusap pa kami para sa play namin sa English ehh."-- nagwave na ako kay Topher sabay umalis na ako at pumunta na sa silent garden kung saan kami magmeemeeting.
[silent garden]
"Dumating ka pa?!"-- salubong sa akin ni baby Tyrone.
"Sorry ngayon lang ako."-- nakayuko kong sabi saka ako umupo sa tabi ni Tyrone.
"Okay lang Ayo. Hindi ka naman kailangan ehh!"-- ngiting ngiting sabi ni Cazie. Tadyakan ko kaya 'to?!
"Please lang naman Kokey. Pwede ba sa ibang silya ka na lang umupo? Kailangan katabi ko pa?! Tsk!"-- asar na asar na sabi ni Tyrone sabay kamot sa batok niya.
"Sa ganda kong 'to? Ayaw mo akong katabi?!?! Di ba BOYFRIEND kita?"--sabi ko. Ehh nagpapanggap kami sa harap nila kaya ganoon dapat.
"Ayoko."-- straight niyang sagot.
"Guys, tama na yan! Oh ano pag-usapan na natin kung ano ang nga roles na gaganapan natin!"-- sabi nung isa naming kagrupo.
"Ako na lang yung bida tapos yung kaloveteam ko si baby Tyrone!"-- suggest ko.
"Hayst! Ayo manahimik ka pede?"-- sabi nung isa kong kaklase.
>___<
So ayun, binuo na namin 'yung cast. Bale ang gagawin namin na play ay medyo cliche na. About ito sa babaeng iniwanan ng boyfriend niya at maghihiganti siya dito. Hindi ako ang main role. Sino ba ako para gawin nilang main character nuh? Over qualified ata ang ganda ko diyan!
Si Cazie at baby Tyrone ang lead cast. Ako? Walang masyadong role. Isa lang akong hamak na tsismosang katulong sa play na iisang line lang ata ang sasabihin.
"Meeting dismissed."-- sabi ni baby Tyrone kaya naman nagsitayuan na ang lahat.
Nilapitan naman ako ni Cazie sabay smirk,"Ano ka ngayon sa istorya? Extra? Haha." -- sabay nilayasan ako. Aba walanghiyang yun ahh!
Bago umuwi, dumaan muna ako sa locker ko. At sa kasamaang palad nga naman, naandito din si Cazie.
"UHMP!"-- pilit kong binubuksan ang locker ko. Takte ayaw magbukas >__< nasira siguro huhu. Lagot paano ko kukunin yung books ko dito? Tsk.
Pilit ko pa ring binubuksan at nasakit na ang palad ko. Narinig ko naman na nagsalita si Cazie habang nakuha ng gamit niya,"Wag mo kasing pilitin ang isang bagay na ayaw magbukas. Kusa yang bubukas... kung gusto niya."
Feeling ko may ibang meaning ang sinabi niya kaya naman sumagot ako,"Porket ayaw niyang magbukas... susuko na ko?"
Isinara niya ang locker niya at lumapit sa akin sabay grin,"Kung ipagpipilitan mo..."
BINABASA MO ANG
SHET. Ang Ganda ko! [Ongoing series]
HumorAng istoryang ito ay para sa mga magaganda, feeling magaganda, kunyaring magaganda, pang beauty queen ang ganda, maganda pero hindi pinapansin ng crush niya, maganda at nagpapapansin sa crush niya, assumerang maganda at pahumble na maganda. Dahil an...