OKAY. Ako na bitter sa prom ko </3 HAHA. Charrot! 'Yung ultimate crush ko kasi dapat isasayaw ako kaya lang... natapos na yung song TT_TT tapos na ang prom. Wala na! HAHA CHAR. So eto na ang UD ko.
- ate angel MAGANDA NG OVER NA OVER (HAHA PAGBIGYAN NA XD)
----------------------
Mayroong tinawagan s Cazie. Matapos ang tatlong ring ng cellphone nito ay sinagot naman nito kaagad ang tawag.
[Hello?]
"Kuya..."-- mahinang sabi ni Cazie.
[Oh bakit? May problema ba?]
"May nararamdaman ako kay Oenone at Tyrone. Feeling ko hindi talaga sila. Tignan mo na lang kung paano makitungo si Tyrone sa kanya..."-- nagsmirk si Cazie.
[Anong ibig mong sabihin???]
"Kailangan nating mapatunayan... at as soon na mapatunayan ko, BABAWIIN ko na kung ano ang dapat na sa akin..."
Huminga ng malalim ang kuya niya, ang kausap niya sa phone.
"May problema ba kuya?"-- mataray na sabi ni Cazie.
[Wala... wala bunso.]
"Buti naman... I'll just wanna get, what is suppose to be mine..."-- nag-evil grin si Cazie. Hindi na siya makapaghintay na mapasakanya muli si Tyrone.
LEVEL 10: Palpak NANAMAN si Ayo
Oenone's POV:
"Tulaley ang bruha..."-- narinig kong bumulong si Lychee kay Apple. Bubulong pa ehh rinig ko naman.
"Ehh pano, nasayang ang effort niya sa cake niyang mukha namang nasunog lang na kanin! HAHAHA!"-- pag-sang ayon ng ever supportive kong bestfriend na si Apple.
"HAHA! Apir tayo diyan sister!"-- at nag-apir silang dalawa.
Tinignan ko silang dalawa ng masama,"Kayo bang dalawa ay hindi talaga titigil hah?!"
Napahinto naman ang dalawa sa pagtatawa sa akin dahil sa pagiging tulala ko.
"Sorry po miss Ganda."-- mapang-asar na sabi ni Lychee.
"Kung araw-araw kang ganyan Lychee, magkakasundo tayo!"-- tumayo ako sa kinauupuan namin sa cafeteria at bumili ng maiinom. Recess time na kasi namin and until now ay tuloy pa rin ang pagbugso ng mga regalo kay baby Tyrone.
Habang bumibili ako ay nakasalubong ko si Topher.
"Hi..."-- masigla niyang bati.
"Hello."-- simple kong sagot.
"Uhm. Nakita ko yung nangyari doon sa cake na binake mo."-- malungkot niyang sabi.
"Ahh... Oo nga ehh. Ayos lang 'yun!"-- I tried to smile. Eto ako ehh, masiyahin ako!
Bago pa siya makasagot ehh umalis na ako dahil nabili ko na naman ang dapat kong bilihin. Tumabi na ako kila Lychee at Apple na nakaka-out of place ang pinag-uusapan dahil pinag-uusapan nila ang favorite nilang kpop band.
Wooh~ may kasama po akong dalawang feeling koreana >_>
Maya-maya lang ay nagbell na kaya naman nagsipasukan na ang lahat sa kaniya-kaniyang room. At syempre kaming tatlo ay pumasok na rin.
"HI BABY TYRONE!"-- masigla kong bati nang makita ko siya.
Hindi naman niya ako pinansin, instead, dire-diretso siyang naglakad. HMP! Napakasungit!
Sinundan ko naman siya hanggang sa upuan niya dahil gusto ko siyang makausap. Siguro nga pinagsisiksikan ko na ang sarili ko sa kanya, pero bakit ba! Masaya ako sa ginagawa ko!
BINABASA MO ANG
SHET. Ang Ganda ko! [Ongoing series]
HumorAng istoryang ito ay para sa mga magaganda, feeling magaganda, kunyaring magaganda, pang beauty queen ang ganda, maganda pero hindi pinapansin ng crush niya, maganda at nagpapapansin sa crush niya, assumerang maganda at pahumble na maganda. Dahil an...