LEVEL 8: Pepengol ka?

1K 31 15
                                    

LEVEL 8: Pepengol ka?

Oenone's POV:

"SH.T!"-- may narinig akong boses at saka lang ako natauhan na nakadapa kami ni baby Tyrone at magkadikit ang mga labi namin. Agad-agad akong tinulak ni baby Tyrone at saka umarte na parang nasusuka...

Nakita ko naman si Apple na nakatayo sa harap nain at halata mong gulat na gulat. 

"Oh my God Ayo..."-- hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Apple.

"Ahh... hindi... ano..."-- hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Assumera ako, oo pero hindi ko naman kayang ipahiya 'tong si baby Tyrone ko.

"DINAPA NIYA SARILI NIYA PARA MAHALIKAN AKO. PERIOD."-- sabi ni baby Tyrone sabay lakad papaalis sa amin. Teka? Hindi ko naman sinasadyang madapa ahh? Teka sinadya ko ata??? Ay hindi ahh! Hindi ako ganung kadesperada! Ay teka hindi nga ba ako desperada? UGH!

"FVCK! KADIRI!!"-- I heard him said.

Ako...

Ako eto, natutuwa pa rin kasi nahalikan ko siya

*O*

YEHEYYYY!!! YAHOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!

"YESSSSS!!!! WOOHOO!!!"-- tuwang tuwang sabi ko habang nagtatatalon.

Napailing naman si Apple,"Para kang tanga."-- sabay layas.

Ikaw ba naman kapag nahalikan mo ang ultimate crush mo hindi ka ba sasaya?!?! Syempre sasaya ka! Wait. Conseravative ka ata. Weh? Ehh bakit mo 'to binabasa?! Hindi ka conservative ateng! Welcome to the club na kasi! WAHAHAHA.

Maya-maya, nagbell na at masaya akong pumasok sa room namin. Mamaya ko na lang ikukwento kay Apple ang lahat ng mga pangyayari sa buhay ko na naikwento ko na kay Lychee at mamaya ko na din ieexplain sa kanilang dalawa ang FIRST KISS namin ni baby Tyrone my labs ko.

Habang papalakad ako papuntang room, may naririnig na naman ako na usapan...

"She's so panget kaya! Baka ginayuma lang niya si prince Tyrone!"

"I know right! So desperate."

"I can stole prince Tyrone from her. Trust me. Sa ganda kong 'to? Haha."

"Stole your face. I can stole him too noh! And I can't still believe na ang perpekto at mala anghel na mukha ni prince Tyrone ay magkakagusto sa anghel din... ng Jupiter nga lang!"

"HAHAHA!"-- they all laughed in unison.

Sarap upakan!!!! Pero okay lang! Hindi ko sila kalevel at hindi ko ibababa ang level ko para sa kanila. I'm like class A kaya... tapos sila... class X lang. MWAHAHAHAHA.

Pumasok ako ng room na taas noo at todo chin up. Maganda kasi ako. GETS MO? MAGANDA AKO. Spell maganda? O-E-N-O-N-E!!! It is me!!!

Agad agad namang nagbulungan ang mga class X kong kaklase na feeling mas maganda sila sa akin. Like hello? I'm so pretty and they're so ugly!!!

Maya-maya lang, dumating na ang teacher namin sa English. Okay, it's nosebleed time mga pare. xD

"Okay class, we will have a groupings for today. You'll be having a play to enhance your confidence. I'll be giving you a topic and your group will present a play in front next quarter. When I said you'll present... it should be... PRESENTABLE."-- bungad niya sa amin. Hindi uso "good morning" xD

Ano namang kaek-ekan yan? Last year nag ganyan din kami at ang napunta sa aming story is about sa isang prinsesa na ayaw pakasalan ng prinsipe. Ang role o nga doon ehh ako 'yung hari. Grabe gawin ba daw lalaki ang kagandahan ko?! Kulang kasi kami ng lalaki so I took the role. Nung 2nd year naman kami, lion ako. Oh di ba? Ginawa ba daw akong lion ng mga bwiset kong kagrupo? Kainis nga ehh! Sana naman ngayon, wag na ganun ang makuha kong role!

SHET. Ang Ganda ko! [Ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon