Chapter 4

729 5 4
                                    

_____________________________________________

Mikkaella's POV.

"Uy, Mikkaella Isabell Hernandez. Snob ka na sa kanya? Bitter." Sabi sa'kin ni Jen.

"Hindi." Bakit pa kasi dumating yung lokong yun? Ngayon pa! Nako. Andito kami sa bahay ko. Wala daw silang matambayan kaya dito na naman. Wala na namang pagkain mamaya.

"Eh bakit hindi mo siya pinansin kanina?" Tanong ni Trish.

"Wala. Eh. Ayoko na ngang makipagusap sa inyo Umuwi na kayo."

Kilala niyo? Malamang hindi. Ex-MU ko yun. Loko kasi. Si Keith.

Matagal na din nung bumitaw na sa kanya. Naka-move on na nga eh. Pero parang hindi. 2 months na kaming hindi nag-uusap. Pero hindi pa rin ako makatingin sa kanya ng straight. O'kaya naman ay mag-hi sa kanya. Senior na siya eh. Anyway, Di na ako magsshare ng napakadami sa inyo. Lagot ako. O'siya. Twitter nga muna tayo.

Kaganda nga naman ng tweet na una kong nabasa oh. Tss.

Keith Santiago @kthsntg

Di na siya namamansin. IDEK kung kilala niya pa ako. Malas, bro. #Haay.

Kasi naman. Ehh. Ba't ko pa fino-follow 'to?

Readers, Nag-tweet na ba si Idol? Tara. Tignan nga natin. Mukha kasing badtrip siya kanina kay Nico. Sinapak ba naman.

Kiefer Ravena @kieferravena

Let's get some sleep! Wooh. @nickobesalva @von19 @GWillSlaughter Goodnight bros! Explanation tommo. ;) Gnight mga Idol! #PagodLangIto

Yaaaaaaaaaaawwwwwwwwnnnn. Oo nga naman. Gabi na. Makapag last tweet na nga bago pa ako makatulog sa harapan ng Desktop ko.

Mikkaella Hernandez @mikkabellh

Tired. -_______________- G'Night. ;) #Weird

Ano ba yan. May nag-reply pa. Matutulog na nga lang eh.

Keith Santiago @kthsntg

G'night. ;) @mikkabellh

Siya lang pala. Haay. Sige na. Goodnight.

.............

(Next Morning)

Ang boring forever ng klase na ito. Waah. Sarap matulog. Kaso hindi pwede. Tss.

Nagulat ako ng biglang may nambato sa'kin ng papel.

Lakas ng trip ah.

Kinuha ko and binasa ang note na nakasulat,

Psssssssssstt. Alam mo ba! :"> Nico Salva asked me out yesterday! Iniinvite ka nga niya eh. Isasama niya daw si Kief. :">

-J.

Playboy talaga itong si Salva. Nako. Pag sinaktan niya si Jen sasapakin ko siya talaga. Kahit pa Bestfriend siya ni Kiefer.

Hindi ko pinansin si Jen at nag-focus sa lesson. Kahit wala akong maintindihan.

_________________________________________________

*Recess*

Nandito kami sa Cottage. Ayoko sa Cafeteria dahil malamang pagttripan ni Nico si Jen. Yun nga ba o baka iniiwasan ko lang si Keith? Aysusme.

"O, ano? Sasama ka ba?" Tanong ni Jen.

"Hindi na, Jen. At ikaw bata ka! Mag-ingat ka sa ginagawa mo! at hindi mo alam, Pinagttripan ka na pala ni Nico." Batok, Tulak.

"Aray! Masakit ah!"

Kumain na lang ako at nanahimik.

Teka, Medyo Uncomfortable yung Silence ah. Magsasalita ako nang bigla akong unahan ni Trish.

'Teka, Bakit pati sila nandito?" Tanong niya.

"Trish, Sino kausap mo?" Tanong ni Ky.

"Si Mikkaella." Ang creepy pag tinatawag nila ako sa pangalan ko. Parang galit eh.

"Trish, Di naman tayo yung may-ari ng school eh. Kaya may karapatan pa rin sila dito 'no." Sabi ko sa kanya.

Alam na kagad kung ano yun. Pero kahit ako nagtataka kung bakit rin sila nandito. Oh, well. Might as well enjoy the view.

Masasaktan pala ako sa susunod na mangyayari.

Pagkaupo na pagkaupo ni Kiefer tumingin siya sa paligid niya. Parang may tinataguan.

At yun na nga.

Naasar siya nung nakita niya ako. Kami. Si Nico nakangiti sa'min pero siya paraang asar na asar na. May nagawa ba ako?

Bumulong siya kay Nico.

Tumingin naman si Nico sa kanya na mukhang na-shock sa sinabi niya. At pagkatapos nun, sabay silang lumakad pabalik sa College Bulding.

Haay.

Masanay ka na Mikkabell.

Fan lang naman niya ako eh.

Teka, Bakit masakit?

Nac-creep out na ba siya sa akin?

I'm in big trouble.

___________________________________________________

Kiefer's POV.

"Oh, Bro. Let's go eat." Sabay tapik sa'kin ni Greg.

Hinanap ko si Nico. Nakita ko siya sa pinaka-likod. Di na ako nagulat na may kasama siyang Girl.

"Bro, Let's go. Pwede ba sa Cottage na lang tayo kumain? Di ko feel yung Cafeteria eh." Sabi ko sa kanya.

"Woah. May iniiwasan ka ba bro?" Sus. Tatanungin niya na naman ako kung yung Mikkaella yung iniiwasan ko.

"Wala, bro. Basta."

Actually, Part ng reason yun. Pero ang totoo. Ayaw ko lang Makita si...

Trinca.

Yung mahinhin kahapon? Siya yun. Kaya sinabi kong type ko siya kasi naging kami dati. Kaso nag-break kami 2 months ago. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung sakit. Yung mga mata niya nung nag-papaalam siya sa'kin. Napapaiyak lang ako pag nakikita ko siya. Kaya ngayon kailangan kong umiwas. Bakit pati si Mikkaella? Kasi pag nakikita ko siya, naaalala ko si Trinca. Kaya pati siya, iiwasan ko.

I'm stupid right? Pero yun lang yung only way para maka-move on ako sa kanilang dalawa. Ayy. I mean, kay Trinca.

Ugh. See? I'm so stupid.

Palapit na kami. Grabe. Ang Paranoid ko. Every other minute, chinecheck ko kung makikita ko ba si Trinca,O'kaya naman ay si Mikkaella. Hindi ko muna sila pwede Makita. Especially si Trinca. It's for my own good naman eh. I may sound tough but actually, nanghihina din ako. Guarded lang masyado.

Ayan. Mukhang wala naman sila dito. Unti-unti na rin akong nag-relax.

Huh? Naka-ngiti si Nico? May tinatago 'to.

Sino naman kaya ang ngini-ngitian nito?

I followed his line of sight, and immediately regretted it.

Kasi pareho ko silang nakita.

Si Trinca, naglalakad sa likod ni Mikkaella.

Actually, kay Trinca lang talaga ako na-bother.

Kaya napa-sama ang tingin ko.

Sabi ko iiwasan ko eh. Ano naman itong ginawa ko?

Parang wala akong magawang matino.

Bumulong ako kay Nico at sinabing pumunta na lang kami ng Cafeteria.

"Huh? Bakit?" Tanong ni Nico.

"Um. Kasi mainit. Kaya ganun."

"Um. Guys, Cafeteria daw You want?" Tanong ni Nico kay Greg at Von.

"Sure. Medyo mainit dito." Sabi ni Von.

At yun na nga. Saby sabay kaming naglakad sa Cafeteria. Sana nga wala si Trinca dun. Sana rin hindi sumunod si Mikkaella.

I really have to move on.

_________________________________________________

The Phenom meets the Fangirl. (A Kiefer Ravena Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon