Mikkaella's POV.
____________________________________________________
"Okay. I'll pick you up at Seven."
Ilang beses na nagpaulit-ulit yon sa isip ko. Ngayon na ang araw ng date. Hindi ko na alam ang gagawin ko kahit alam kong malapit na mag-7 pm.
"I don't know what to do with myself! Ugh!" I furiously whispered while staring at myself in the mirror. Hindi ko naman matawagan si Jen dahil cannot be reached daw siya. I tried calling Nico, her boyfriend, para tanungin kung nasaan siya pero di ko din siya ma-contact. Nako! Nakakaasar na ha?! Kung kalian kailangan na kailangan ko sila saka naman sila mawawala. Pero pag sa moments na gusto ko silang mag-disappear, andun sila. Yung totoo? Kaibigan ko ba sila? Tsk.
I have to face the inevitable. Looks like you're alone for now, Mikkabell.
Teka? Hindi ko nga alam kung saan ako dadalhin ni Kiefer eh. Haay. I courageously texted my date.
Hi, Kief. =) Where are you going to take me ba? Lol. So, I'll know what to wear. Hihi. -M.
Yan. Para naman ready ako sa outfit ko 'no? mamaya sa Amusement Park niya pala ako dadalhin tapos ang pormal ng suot ko. Kailangan ko din naman maging ready. Chos! And then, Kiefer replied. Relief came through me as I read his text message:
Wear something comfortable. You'll still look pretty naman kahit anong suot mo eh. *wink* -K.
Blush! Yiiee. I started towards my closet and sighed. My phone buzzed and he texted again.
Surprise na lang kung saan. Wear something pretty and comfortable. Trust me, you'll like where we're going. =) -K.
I rolled my eyes. Galit ako sa surprises. Naasar lang ako. Feel ko pinagtri-tripan ako especially pag pina-plano pa lang. I'm a really weird person.
After 45 minutes of grooming and playing dress-up, I settled on a Polo + Jeans + Wedge Heels Combo. Alam ko, ang Corny ng suot ko. Pero komportable ako dito eh. Bakit ba?! I only used minimal make-up. BB Cream, light blush, at lip gloss lang.
It's 6:50. He'll be here in ten minutes. I took deep breaths. I decided to call Jen. Silently hoping na sagutin nya yung tawag ko. Kailangan na kailangan ko siya. After a few rings, thank God, she answered.
"Hello?"
"Oh, Jen! Ba't ngayon mo lang sinagot yung tawag ko?"
"Sorry. Busy ako today. Opening ng shop nila Daddy. Uyy! Malapit na date mo! Anjan na ba siya? Oh My GEE!" She squealed.
"Kinakabahan nga ako Jen eh."
"Kaya mo yan, Girl! Hwaiting! Fighting!"
Bigla namang nag-ring ang doorbell namin. Holy Crow! My heart rate increased upon hearing it. Binuksan naman ni Ate Esmeralda ang Front Gate.
"Hell, Jen! Anjan na siya!" Dumungaw akomula sa bintana naming. At tama nga ako. Anjan na si Kiefer Ravena! 45 seconds later, may kumatok sa pinto.
"Pasok!"
Akala ko si Kiefer. Si Ate Esmeralda lang pala.
"Mikkay, anak. May naghahanap sa'yo sa baba. Nasa sala siya. Bumaba ka na, Hija."
"Opo. Susunod na po ako." She nodded and closed the door.
"Jen, I have to go. He's here already!"
"Great! Remember: Relax! Fill me in later. Enjoy! Bye!" I hung up.
Tumingin ulit ako sa salamin. Yan. Kailangan kalmado. Poker Face. Kaya mo 'to, Mikka. Pagkatapos non. Lumabas na ako sa kwarto ko. Sumilip ako pababa at nakitang nakaupo si Kiefer. He is hunched over and is nervously tapping his fingers together. Nakita ko na naka-Long sleeved shirt siya, Jeans and Sperry Top Siders' siya. Nagsimula ako pababa. Bigla namang tumingin si Kiefer sa akin. Tumayo siya at luumakad papunta sa dulo ng stairs. Nagulat naman ako sa bigla niyang pag-ngiti.
"Woah. Sabi sa'yo eh. Maganda ka pa rin kahit simple lanng ang suot mo."
"You don't look so bad either. Hindi mo naman sinabi na astig kang pumorma. Nuxx."
"Hahahahahahahaha! Grabe. Porma na pala 'to? Are you ready to go?"
"Saan mo ba kasi ako dadalhin?"
"Surprise nga eh! Magugustuhan mo yon." He winked.
Napataas na lang ako ng kilay at umiling. Nagpaalam na ako kay Ate Esmeralda at sumakay sa kotse niya. He opened the passenger door for me.
"Nuxx naman! Gentleman oh!" Pang-aasar ko.
"Syempre naman 'no? Bilib ka na?" Tumawa siya.
Habang bumabyahe kami, hindi ko mapigilang kulitin siya kung saan niya ako dadalhin.
"Uyyyyy." ----With matching kurot sa balikat----- "Sa'n mo ba ao dadalhin?" I asked while pouting.
"Nakooo! Pag pinag-patuloy mo pa yang pout mo, baka sabihin ko na sa'yo."
I blushed. "Eh. Dali na kasi!"
"Ang kulit mo! Magugustuhan mo promise!"
"Saan nga?!"
"Malapit na tayo." He said.
Tumingin ako sa paligid mo at biglang may na-realize. Oh My GEE! I hope not.
"Please tell me you're not taking me to that scary Ice Skating Rink?" I narrowed my eyes. He was clearly taken off-guard. BINGO! Gosh. He is taking me there!
"You really are taking me there! Bakit doon?!" I slumped in the passenger seat. Kung ako, asar na asar, siya naman, mangiyak-ngiyak sa kakatawa. Hindi na nga siya makapagsalita. Nakapagsalita lang siya nung nasa stoplight kami.
"You.... You should've seen..... the look..... on... your.... FACE! Hahahahahahahahaha!"
Tinignan ko siya ng masama. He raised his hands in surrender. Pero, halatang nagpi-pigil siyang tumawa.
"Si Jen ang nakaisip nun! Sumunod lang ako. Hahahahahahaha!" He laughed again.
"Ayaw na ayaw ko nga don eh! Palagi akong napapahamak! Hmp!" I crossed my arms. Bigla namang umandar ang kotse.
"Trust me, Mikkabell. Tuturuan kitang ma-ice skating ng maayos. Haha! It'll be fun! Tska, ayaw mo nun? Ang romantic kaya!" Ngumiti siya. Sabagay ang romantic nga naman non.
Nakarating na kami sa Skating Rink. Konti lang ang tao. Open yung rink. Walang net or roof sa ibabaw. It has snow-making machines on the sides. Maraming puno ang nasa paligid. The trees are wrapped with twinkling lights. Cloudless din ang sky. Kitang-kita ang mga bituin. Tahimik. Maganda. Now I know kung bakit nagmumukhang romantic ang lugar na ito. Para siyang, hidden paradise in the city. Buti na lang pala naka-jeans and polo ako.
"Oh? Tulala ka jan? Ang ganda 'no? Sabi sa'yo eh."
"Maganda nga. Yung lugar. Hindi yung gagawin natin." I rolled my eyes.
"Sus. Sabi ni Jen, di mo naman daw first time. Eh ba't takot na takot ka jan?" He asked.
"Eh. Baka madulas ako. Mabagok. Masaktan. Tulad dati nung bata pa ako. Kaya nga hindi na ako bumalik dito ever since eh!"
"Hahayaan ko bang mangyari yun? Tsk. Tara na nga!" Hinila niya ang kaliwang braso ko papunta sa rink. Nag-rent kami ng skating shoes at pumunta sa entrance. Nanlalamig ako. Pero hindi dahil don sa Yelo. Dahil sa posibilidad na baka ma-aksidente ako. My hands are shaking. Napansin naman ito ni Kiefer. He took both of my hands in his and he looked straight into my eyes.
"Wag kang matakot. Hindi kita hahayaang malaglag. Humawak ka lang sa kamay ko. Hindi ka malalaglag. I promise. Ipapatay mo ako pag nalaglag ka."
"Talaga lang ha? Lagot ka kay Jen."
"Oo. Promise. Halika na. Enjoy na lang tayo."
He held my hand as we entered the rink. Woah. Ang lamig. Sabagay. Ice skating rink nga eh. Natural na malamig. I shook while We started to skate.
"Relax, Mikka." He said and kissed my cheeks. Snow started to fall.
_________________________________________________________
Long Wait is Over. :">
Vote|Fan|Comment|
BINABASA MO ANG
The Phenom meets the Fangirl. (A Kiefer Ravena Fanfic)
Fiksi Penggemar"No. I'm Going Crazy." Sabi ko sa sarili ko. "Dude, In-Love ka na nga sa kanya." Sabi ni Nico. "It can't be. But I really am falling for her." I whispered. "Sabihin mo na. She's going crazy for you too. And you look happy with her." Ito lang yung en...