Chapter 10: Cold. Expressionless. Strong.

301K 7.3K 445
                                    

Chapter 10

"Ate!" 

Napairap ako nang marinig ang matinis na boses ng maingay kong kapatid. Bakit ba kasi hindi niya magawang umakyat dito sa kwarto ko at tawagin ako ng maayos? Panay sigaw. Sinasapain na naman ng katamaran malamang.

               

"Ano?!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Tara dito sa baba!"

"Ikaw ang umakyat!"

"Kapag hindi ka bumaba sisirain ko ‘yung favorite dress mo." 

               

Okay. I give up.

Tumayo na ako sa kama ko at bumaba. Kapag kasi sinabi niyang sisirain niya ang damit ko, I know she means it. She did it twice already. Hindi ko na hahayaang may pumangatlo pa. My sister is such a pain in the a**.

               

"What do you want Ash?" Bored kong tanong sa kanya habang naglalakad pa lang ako pababa sa hagdan.

Napahinto ako ng makitang may kasama pala siya sa sala. No other than Ry.

Lumingon sa akin si Ashley at ngumiti. As in ngiting ngiti. "Okay na. Nakababa ka na. Now, umakyat ka na ulit para magpalit ng damit."

               

"What?! Pinababa mo ko just to say that? You should have shouted that earlier para hindi na ako nag-effort bumaba pa dito."

"I just want to tell you that face to face. Don't worry ate, sasamahan na kita paakyat ngayon." She said while smiling widely as she got up from her seat. "Kuya Ry. Wait lang ha. Saglit lang 'to. Nuod ka muna. I suggest Phineas and Ferb panuorin mo."

               

Napairap na lang ako dahil sa inis kay Ashley. "Brat," bulong ko sa kanya nang paakyat na kami parehas.

Flinip niya ang hair niya, "I know right."

Dahil sa gesture niyang ‘yun napangiti ako ng ‘di oras. Hay nako. Kahit dakilang brat 'tong kapatid ko, hindi ko naman magawang magalit sa kanya kahit na minsan, nakakairita na talaga siya.

Pumasok kami sa kwarto ko. Agad akong dumiretsyo sa drawer ko para kumuha ng damit samantalang siya, humiga sa kama ko at pinanuod ako.

               

"You didn't tell me you're going out again."

"We're not going out. I'm hanging out with somebody and it just happened that that somebody is his sister. And his niece, too. So I decided to tag him along," sagot ko sa kanya habang nagpapalit ng damit. Wala naman sa amin kung magpalit kami ng damit kahit nasa harap kami ng isa't isa. "And bakit mo sinabing 'again'? As if we went out na dati."

"You did. Nagdate na kayo dati ‘di ba?"

"Friendly date," sagot ko emphasizing the word friendly.

"Friendly date or whatever, a date is still a date. Teka nga. Bakit kayo maghahangout ng kapatid ni Kuya Ry? Bakit kailangan niyong maging close? Kayo ba?"

"We're friends, Ash. Ganoon talaga ‘yun. Minsan you need to be friends with the family of your friend."

"Kailan ka pa naging friendly?" kunot noo niyang tanong.

The Love ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon