Prologue

1.2M 16.1K 1.8K
                                    

Mahaba ang pila sa labas ng classroom namin. Parang may rasyon ng bigas kung titingnan mo.

Tinawag na ako ng kablock ko at pinaupo sa may harap.

"Game."

May lumapit at umupo sa harap ko na isang babaeng haggard na at mukhang hindi nakatulog ng tatlong linggo.

"My boyfriend dumped me. Pinagpalit niya ako sa babaeng mukhang hipon. What should I do?" sabi niya with matching tears pa.

 

"Magpaparlor ka."

 

 

"Excuse me?"

"Sa itsura mo ngayon malamang ko nagpaparty na yun at nakawala siya sayo. Eyebags. Wrinkles. Splitends. Haggard. Mukha kang labanderang nanay ng isang dosenang bata."

Hinawakan niya yung pagmumukha niya pati na rin ang buhok niya. "Go! Paparlor ka na. Magpaganda ka. Wag kang mastress dahil sa kanya. Nakakapanget yun. You should look pretty para pagsisihan nyang iniwan ka niya."

Eto na naman ako. Giving advices to people I don't even know. This isn't my job. Pero nag-eenjoy ako sa ginagawa ko.

Marami rin ang taong pinipilahan ako para hingan ng advice o magpatulong sa mga problema nila sa puso. Ako raw kasi si kupido at ang love doctor nila.

Pero alam mo kung ano ang nakakatawa? Never pa ako nainlove. Ironic di ba?

Ang daming naghihingi ng advice about sa love sa taong ni minsan hindi pa nainlove.

Nagulat ako nang may nagbagsak ng kamay niya sa lamesang nasa harap ko.

"Go on a date with me." sabi nung lalaking nasa harap ko ngayon.

Tinaasan ko sya ng kilay, "Ayoko."

"I'm not asking for permission." naglapag sya ng papel sa harap ko at umalis na.

Saturday. 5pm. I'll pick you up.

 

Nilukot ko lang yung papel at tinapon kung saan man. I don't go on dates. It's not my thing.

Nawala na ako sa mood kaya sabi kong ititigil ko na muna ang pakikipag-usap sa mga nakapila. Pero bago pa ko makaalis, bumalik yung lalaki kanina.

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Lumapit siya sa akin, "I forgot something." lumapit siya at may ginawa na ikinagulat ko.

He kissed me on the cheek.

"See you on Saturday Cass." and he went away.

Hi, I'm Cass. And this is my love project. 

***

A/N: Hi guys! Side story po 'to ng Teen Clash. You know Cass Scott? Yung kapatid ni Ice? This is her story. Maiksi lang 'to. Don't worry. ;) <3

The Love ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon