Chapter 6: For strong people

328K 7.6K 177
                                    

Kumakain ako sa cafeteria nang may biglang naglapag ng tray niya sa table ko at umupo sa tapat ko. "Hey," bati niya sa akin. Tinanguan ko lang naman siya. "Walang sagot? Tango lang talaga?" 

               

"Fine. Hey back."

"Wala kang class?"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Kung may klase ba ako tingin mo nandito ako ngayon? Common sense, Ryan."

               

"Sorry naman. Nagtatanong lang." Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. "Foundation week na next week. Anong balak mo?"

"Wala naman. For sure pagkakakitaan na naman nila ko," sagot ko at napapout na lang bigla.

"Cute," dinig kong bulong niya pero syempre aarte ako na kunyari hindi ko narinig ‘yun. "Bakit naman nila gagawin yun? Saka paano?"

"You see, we have this contest every foundation. Lahat ng course sa department namin, magpaparamihan ng kikitain na pera. Meaning, we have to do some gimiks to raise money."

"Paanong gimik?"

"As for our section, sasamantalahin nila ang pagiging love doctor or whatever-you-may-call ko. Kaya ayun, magkakaroon ng free consultation sa akin all day loooong. Tapos magbabayad ‘yung magtatanong or share sakin. Ang sama nila 'no?"

"Masama kasi pagbabayarin nila ‘yung mga magtatanong sa ‘yo?"

"No! Masama kasi papagurin nila ako buong araw. I have life you know," sagot ko na nagpatawa sa kaniya.

"Itakas kita sa section mo sa foundation week," sabi niya with macthing taas baba pa ng kilay.

"H’wag na. Ayoko rin naman iwan mga kablock ko sa ere."

"Trust me. Sila pa mismo magpapaalis sa ‘yo."

               

I just smiled at him and looked at my watch. "Anong oras next class mo?"

               

"1 lang."

"1:15 na. Bakit andito ka pa?!"

"Keeping you company."

Inirapan ko siya, "I've been eating alone for years already. I can handle myself. You don't have to cut class just to stay with me."

               

"Pero kaibigan kita kaya ayokong iwan ka mag-isa."

"Ayoko namang magcut ka ng klase para lang samahan ako. Konsensya ko pa, kaya go na."

Bigla naman siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko kaya pinalo ko ang kamay niya, "H’wag sabi buhok ko."

Nang matapos akong kumain, aalis na sana ako ng cafeteria nang may mahagip ang mata ko. Isang babae na mag-isa lang sa katabi kong table. Nakapalumbaba siya at parang sobrang lalim ng iniisip. Actually, she looks familiar. I think I saw her from somewhere. Saan ba?

Ah. Siya ‘yung simpleng girl na nagshare sa akin dati tungkol sa lalaking nagconfess sa kanya. ‘Yung shy. Siya si Megan.  

Lumipat ako sa table niya at umupo sa tapat niya na mukhang ikinagulat naman niya.

               

"Cass!" sigaw niya.

"There's no need to shout."

The Love ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon