Chapter 5: Friendship

347K 8.4K 383
                                    

"Bye! Ingat kayo! Uy, Ry. Alagan mo ‘yang si Cass ha. Next time 'pag bisita mo sama mo ulit si Cass. Kapag ‘di ‘yan kasama hindi ka makakapasok sa pamamahay ko!"

"Grabe ka naman, Ate! Sino ba ang kapatid mo sa amin?" 

Napayuko ako nang may humihila ng laylayan ng damit ko, "Why, Baby Chee?" tanong ko sa kanya at umupo para pantay kami. Medyo namumula ‘yung ilong niya pati ‘yung pisngi at medyo sumisinghot siya, "You'll go already mama? Look at the sun. Mataas pa. Mr. Sun's still out. Don't go home yet." This time umiiyak na talaga siya.

Bakit napakacute ng batang 'to? Ang sarap ibulsa. Kung pwede ko lang iuwi 'to malamang ko ba naiuwi ko na.

Pinunasan ko ‘yung luha niya, "Don't worry, Baby Chee. Babalik dito si Mama. You'll see me again soon, okay?" tumango tango naman siya pero umiiyak pa rin.

Kinuha na ni Ate Rylee si Chee at binuhat, "Sige na. Baka humabol pa 'tong maliit."

               

"Una na kami. Bye! And Baby Chee, stop crying. Bye!"

               

Pagsakay namin ng sasakyan, agad akong pinasalamatan ni Ryan.

"For what?" tanong ko.

"For coming with me. Ang daya nga lang," sabi niya at sumibi.

               

Tiningnan ko siya, "Bakit madaya?"

"Kasi mas close ang ate ko sa ‘yo. Nakikitawa ka pa sa kanya. Sa akin nga maski ngitian ako ng sincere hindi mo magawa."  Hindi ko alam kung pagtatawanan ko ba tong si Ryan o ano. Pero wag na lang. Hindi ko na lang papansinin ang sinabi niya.

               

Tumingin ako sa daan at saka ko lang napansin na hindi ito ang daan pabalik sa bahay namin.

               

"Hindi ka ba namamali ng daan? I mean, naliligaw?"

"Tama lang ang way ko."

"Hindi naman 'to yung dinaanan natin kanina."

"Don't you trust me?"

"I don't," diretsyong sabi ko sa kanya.

"Good. See -- wait. You don't?"

"I don't."

"Ang sama naman nito. Ang tanong ko sayo, 'don't you trust me' kaya dapat ang sagot mo, you do trust me. Hindi pwedeng don't. Mali ‘yun."

"Kailan pa naging mali magsabi ng totoo?"

"Hay. Bahala ka nga." 

Nagkibit balilat lang ako at tumingin ulit sa daan.

Bakit ba hindi pa rin kami nakakarating sa bahay? Parang mali talaga ang daan e. " Ryan. I'm positive hindi ito ang daan pauwi sa amin."

               

"Hindi nga."

“What? Ang sabi mo kanina tama ang dinadaanan mo? I knew it! We're lost."

"Tama naman daan ko."

"Hindi ito ang daan pauwi sa bahay ko."

"Sinabi ko bang iuuwi na kita? Hindi naman ‘di ba?"

The Love ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon