Chapter 46: Trap

197K 5.1K 472
                                    

 

“Details! Grabe, Cass! Naiimagine ko ang pagkaromantic ng place, ng moment, ng lahat. Parang fairytale ba? You got your happy ending, girl. Ako talaga ang numero unong  fan ng Cass-Ry loveteam.”

Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin sa sobrang lakas ng boses ni Sheena. Hindi ba siya nausuhan ng salitang “kalma”?    

Nabasa nila ni Kate sa school newspaper ‘yung isang article sa entertainment section entitled, “Our love adviser is in love”. How cheesy.  Kaya ayun, pagkatapos na pagkatapos nilang magbasa, initsya na lang nila ‘yung newspaper tapos pinaulanan na ko ng death stares at ng mga rants nila. Kesyo bakit hindi ko kwinento sa kanila. Bakit nauna pang makaalam ang ibang tao kesa sa kanila. Paano nangyari. Saan. Kailan.    

Tumigil lang sila nung sinabi kong “rumors” palang ‘yun pero para sa kanila, sasabihin ko ang full details ng pangyayari. Maski kasi ako nagulat ng bigla na lang lumabas sa school newspaper ‘yun. Kailan pa ako nagkaroon ng stalker or paparazzi para malaman nila kung anong nangyayari sa buhay ko?    

Medyo nakakainis din kasi privacy ko na ‘yun. Buhay ko ’yun. Bakit pagchichismisan pa nila? Hindi sa nanunumbat ako pero pinapayuhan ko na nga sila tapos aalamin pa nila ‘yung private life ko. Hindi naman ako artista. Bakit kailangan pa nilang malaman ‘yung lovelife ko?

               

“Number one fan?! Parang few months ago panay Zac at Cass ang bukambibig mo. Kung may number one fan nila, ako lang.”    

“Ay oo nga ‘no. Teka nga. Speaking of Zac. Alam na ba niya?”    

“Hindi ko sinabi pa sa kanya pero sa lumabas sa school newspaper, malamang alam na niya.”

“Hay. Ano kayong feeling ni Zac? Pansin ko kasi, hindi pa siya totally nakakamove on sa’yo. Lakas din ng tama nu’n sa ’yo, girl. Maski si Megan. Malungkot pa rin.”      

               

Nakokonsensya man ako, sinunod ko pa rin ‘yung nararamdaman ko. Alam ko kasi na kung hindi ko ‘yun susundin at iisipin ko sila, magagalit lang sila sa akin. Kasi ang gusto nila, maging masaya kami ni Ry. Sounds so selfish pero wala. All of the people around me wants us to be happy. So I should be happy.

Ayun nga at kwinento ko sa kanila kung ano yung nangyari sa amin ni Ry. Syempre as usual kikiligin sila. Ayan naman ang role nila sa buhay ko. Ang kiligin sa mga bagay bagay.    

“Hi.” Napatingin ako sa lalaking umupo sa tabi ko.      

               

Tilian ang mga kaklase ko nang makita kaming dalawa na magkatabi. Syempre, medyo hot pa ang news kaya ayan na. Kikilig kiligin pa sila. Ganoon naman palagi pero sa bandang dulo, syempre ako na lang ang kikiligin.      

               

“Wala kang klase?” tanong ko sa kanya.    

“Meron. Early dismissal kaya dumiretsyo ako agad dito.”    

“Oh my God! Oxygen, please. Kinikilig ako.”      

               

Sinamaan ko ng tingin si Sheena at pati si Ry ganoon din ang ginawa. Feeling highschool din ‘tong babaeng ‘to.

               

“Hoy, Sheena, ilang beses mo na kaming nakitang nag-uusap pero hindi ka tumitili ng ganyan.” Paninita sa kanya ni Ry.      

The Love ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon