Chapter 30: Three reasons

196K 5.6K 1.9K
                                    

 

Lahat ng inis at tampo ko kay Ry nawala ng dahil lang sa kalahating araw na pagsasama namin ulit. Nakakatawa rin na ang ilang araw o linggo na pagkainis ko sa kanya ay mabubura lang ng kaunting oras na magkasama kami ulit.

After that day, after that picnic, parang bumalik na kami ni Ry sa dati. I don't know how it happened, pero masaya ako na ayos kami ulit. Na bumalik na kami sa dati. Pero kahit na close ulit kami, hindi pa rin nagbabago yung sweetness nila ni Megan.

Yes, sweetness. Hindi sweetness na pang mangbestfriend kundi totoong sweetness sa pagitan ng babae at lalaki.

May pagkakataon na pinupunasan ni Megan ang pawis ni Ry. Tapos itong si Ry palaging hinahatid at sinusundo si Megan. Kahit mas maaga ang uwian niya, hihintayin niya pa si Megan.

Sa tuwing ginagawa niya ‘yun, hindi ko alam kung bakit pero may kung anong parang kumukurot sa puso ko. Naiinis ako. Nabwibwisit. Nayayamot.

               

"Two inches."

Nabaling ang tingin ko kay Kate na bigla bigla na lang nagsalita. Para silang ewan ni Sheena kasi nakapalumbaba sila at nakatingin sa akin.

"Ano?"

"Ayun yung haba ng nguso mo."

               

Napahawak naman ako sa labi ko. Grabe napaka OA naman nila. Sobrang haba ng 2 inches. Ni wala pa ngang 1 inch ang haba nito.

               

"Anong problema mo at kung makanguso ka -- " naputol ang sasabihin ni Sheena nang magring ang phone ko.

               

Tinanguan nila ako at sinagot ko ang phone ko. "Bak--"

               

"Bestfriend! Nasaan ka? May sasabihin ako sa 'yo. Dali."

Anong problema ni Ry at parang sobrang excited? "Ano bang sasabihin mo? Dito mo na lang sabihin. Kumakain kami nila Sheena, tinatamad ako makipagkita -- "

               

"Sabi na nandito ka lang."

               

Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko habang nakalapit sa tenga ang phone niya. Napabuntong hininga na lang ako. Sobrang importante ba ang sasabihin niya at talagang hinahanap na pala niya ako bago pa niya ako tawagan.

Bago pa ako makapagsalita, hinawakan na niya ang braso ko at hinila ako papalabas ng cafeteria. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa dalawa.

Dinala niya ako sa may tinatambayan naming dalawa. Sa may ilalim ng puno. Binitawan niya ako at humarap sa akin na ngiting ngiti.

               

"Ano ba ‘yang balita mo na hindi makapaghintay? Pati pagkain ko naperwisyo."

               

Sa halip na sumagot tinitigan niya pa rin ako ng nakangiti pa rin ng sobrang laki.

               

"Siguraduhin mo lang na importante ang sasabihin mo at pwede bang pakibilisan at gutom pa ko."

The Love ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon