Chapter 8: Notification

271K 7.3K 658
                                    

"Cass, ayos ka lang?" tanong sa akin ng kaklase kong si Nica nang abutan niya akong nakasubsob ang mukha sa lamesa.

"No. Matatapos na ba? Gusto ko nang umuwi."

"Sige na. Pwede na since 4 na naman."

               

Pagsabi niya niyan agad kong kinuha ang bag ko at nagpaalam sa kanya saka umalis.

Kainis ‘yan. Tatlong araw na akong inaalipin ng blockmates ko. Matapos lang foundation week hinding hindi na sila makakahingi ng advice sa akin. Sabaw na sabaw na ko.

Hindi na rin naman ako pinupuntahan ni Ryan magbuhat ng hinila niya ako papunta sa likod ng school. Biglang nawala.

***

"Tomboy ka ba?"  

Hindi ko naituloy ang pagsubo sa chips na hawak ko at napatingin sa magaling kong kapatid na si Ice na nagtanong.

Nasa may sala kami ngayon. Siya nanunuod ng sports at ako naman naglalaptop.

"Hindi syempre."

"Bakit wala ka pang boyfriend?"

"Ikaw, bakla ka ba?"

"Hindi."

"Bakit wala kang girlfriend?"

"Bata pa ko."

"Sa panahon ngayon kahit grade school may karelasyon na."

"Bakit ikaw college na pero wala pa?"

 Mababalibag ko na ng laptop 'tong bwisit na 'to.

 "Kasi nga ayoko. Kaya manahimik ka na lang dyan."

               

Nagcheck na lang ako ng Facebook ko. Nakita ko ang friend request ni Megan at ng isang pamilyar na tao pero hindi ko maalala kung saan ko nakita. Inaccept ko si Megan at inignore ‘yung pamilyar na tao.

Hindi ko alam kung bakit tinitingnan ko pa ang Facebook ko. Hindi naman ako nagrereply sa messages. Hindi rin ako nagpopost, naglalike ng status, comments or pictures. Hindi rin ako nagcocomment. Bakit hindi ko pa ideactivate ‘tong account ko?

Nakatutok pa rin ako sa monitor nang biglang tumunog ang phone ko. Someone texted me. Chineck ko naman yun. Unknown number lang kaya hindi ko na pinansin. Ito ‘yung number na text ng text sa akin noong nakaraan. Hindi ko naman nirereplyan ayaw pang magtigil. Minsan nga hindi pa nakuntnto kakatext, tatawag pa. Pero syempre ignore lang ng ignore. 

Pinagpatuloy ko lang ulit yung pagsusurf nang tumunog ulit phone ko. 

               

Hey Cass.

  

Same sender lang. Hinagis ko ang phone sa upuan. Wala pang ilang minutes tumunog ulit ‘yung phone ko.

 

Snob. :(

Sad face pa siya. Snob na kung snob. I don't accept textmates. Bahala siya.

Biglang tumunog ulit ang phone ko pero hindi na siya message alert. Incoming call na. Same number. Gabi na tumatawag pa. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko.

The Love ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon