Chapter 24: Frienvious

213K 4.5K 463
                                    

"Ang sungit sungit nito dati. Laging mag-isa. Tapos palaging nakakunot ‘yung noo. Parang laging pasan ‘yung mundo."

"Ang sungit talaga sobra. Tapos laging nagtataray. Tahimik palagi. Parang hindi marunong magsalita."

"Ay, true! Tapos kapag makikita mo siya hindi mo alam kung kakausapin mo siya o hindi. Kasi baka mamaya sigawan ka niya."

               

Grabe. Ang sama ni Sheena at Kate. Pinagtutulungan ako. Pinapaalala pa ‘yung dating Cass na maiinitin ‘yung ulo. Ganoon ba talaga ako kasungit dati? Parang hindi naman.

               

"Oo. Oo. Kaya sa huli -- "

"Tama na! Tama na! Grabe! Kailangang balikan ang nakaraan?"

               

Pinagtawanan ako ng dalawa. Pati si Megan tumawa na.

"Uy, Ry. Pagtanggol mo naman ako."

"Alam mo kasi, Cass, totoo naman sinasabi nila. Palagi kang nakasimangot dati at parang takot sa tao. Ayaw mo pa nga ng mga kaibigan noon. Inaaway mo pa lahat ng lalaking lumalapit sa 'yo."

"Oo nga. Babarahin mo pa nga ‘yung mga lalaking nag-aaya sa ‘yong kumain sa labas," dagdag pa ni Megan sa sinabi ni Ry.

"Kapag hindi naman niya gusto at nayayabangan siya may dagdag pang lait ‘yung lalaki." Natatawang sabi ni Ry.

               

Sinamaan ko siya ng tingin. Sa pagkakatanda ko kasi humingi ako ng saklolo sa kanya. Kaya dapat tinutulungan niya ko. Hindi sila ang tinutulungan niya para mabully ako.

"Mas ayos pa ata kung babalik ako sa dati para hindi niyo ko binubully," seryosong sabi ko sa kanila.

Tumayo si Ry at lumapit sa akin saka umupo sa tabi ko. Ginitgit niya pa ako para lang magkasya siya saka umakbay sa akin at kinurot ako sa pisngi.

               

"Pikon 'to. Joke lang ‘yun. At least friendly ka na ngayon. H’wag kang mag-alala, maging ikaw man yung Cass ngayon o ‘yung Cass dati, ayos lang sa akin. Sabi nga sa kanta, I love you just the way you are."

Nagulat na lang ako ng biglang tumili si Kate. "Pag-amin na ba ‘yan Ryan? Nako! Sabi ko na nga ba!"

Hindi nila alam na ilang beses ko na binasted si Ry. Hindi naman na kasi dapat ikwento ang ganoong bagay. Past is past na kumbaga. Ngayon, wala ng romantic feelings para sa akin si Ry. Mahal niya ko at oo, mahal ko rin siya. Pero bilang magkaibigan. Ganoon lang kami.

               

"Baliw! Mahal niya ko as his bestfriend. Dumi ng utak. Alam mo namang bff kami nitong si Ry," sagot ko kay Kate at inakbayan si Ry.

"Nga naman! Linisin mo ‘yang isip mo. Kitang bff kami ni Cass," tumingin siya sa akin saka nagtaas baba ng kilay, "I love you, bestfriend."

               

Binelatan ko siya at natawa kami parehas. Napahinto ako sa pagtawa nang matingin ako kay Megan na nakatingin lang sa amin ni Ry. Tahimik lang siya at parang nag-iisip. Teka. Crush niya si Ry. Hindi kaya.. nagseselos siya?

 Ah, hindi naman siguro.

Inalis ko sa isip ko ‘yung idea na ‘yun. Sinabi naman na rin niya na iba ang crush sa love. At sa tipo ni Megan, hindi siya yung magseselos sa bestfriend ng crush niya. Baka nga hindi rin siya ‘yung tipo ng taong selosa. Kilala ko kasi siya at alam kong malawak ang pang-unawa niya.

The Love ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon