Chapter 49: No Name

246K 5.8K 1.2K
                                    

Pasakay na ako ng sasakyan nang may tumawag sa akin, “Ate Rylee?”’    

Ngumiti siya at nilapitan ako. Bago pa siya tuluyang makalapit, tumakbo na ako papunta sa kanya at saka yumakap. “Ate.”    

Matapos ng madramang moment namin, sinama niya ako sa bahay nila. Hindi na ako tumanggi kasi gusto ko rin namang kausapin si Ry at sana nandoon siya.

               

“Mama!” Tumakbo si Chee at yumakap agad sa akin. I hugged her back. “Namiss po kita. Tagal mo pong hindi nagpakita sa akin.” Tiningnan ko si Ate Rylee at tinanguan lang niya ako.    

“Baby, pasok muna kayo ni Cass sa loob.”      

               

Hinawakan ako ni Chee at saka hinila papasok ng bahay nila. Nang makaupo ako sa sofa, umupo rin siya sa tabi ko at saka nangalumbaba habang nakatitig sa akin.      

               

“Did you miss Mama that much, baby? Grabe ka na makatingin.” Natatawa kong sabi sa kanya.

Kumunot ang noo niya saka ako hinawakan sa magkabilang pisngi, “Where did your chubby cheeks go?” Pati yung noo ko hinawakan niya, “Your forehead already have lines, mama. Are you sick?”     Napalunok ako sa tanong niya. Nahalata pa niya ‘yun? Sabagay, lahat din naman sila napansin ‘yun.

Nangayayat daw ako. Nagmukhang matanda. Haggard. Lahat na ng panglalait nasabi na nila. Kaya lang, hindi ko rin naman maitatanggi ‘yun. Totoo naman kasi. Sobrang depress ako . Stressed. Kaya ganoon ang kinalabasan ko.    

Tumingin tingin ako sa bahay nila. Si Ate Rylee, nasa may kusina kasama si Kuya Nick. Nandito pala siya. Si Ry kaya?      

               

“Papa’s not here.”    

“Huh?”

“You said, ‘Si Ry kaya’. Mama, can I ask you a question?”      

               

Hinila ko siya at saka ikinandong sa akin, “Sure, baby. Ano ‘yun?”      

“Nag-away po kayo ni Papa?” Hindi ko alam kung paano ipapaintindi kay Chee ang nangyari kaya I hugged her instead. “I saw him, Mama. He’s crying.”      

Nanikip ang dibdib ko nang marinig ‘yan kay Chee. Umiiyak siya?      

“I was about to enter his room one night, when I saw him crying. I asked him what’s wrong, he said, he’s just watching some film. Does movies make you cry, too, Mama?” Tumingala siya para tingnan ako, “You’re crying.” Umalis siya mula sa pagkakakandong sa lap ko at saka humarap sa akin na mukhang nagpapanic, “Am I too heavy, Mama? Did I make you cry? Sorry, mama.” Natawa ako sa kanya saka siya niyakap.    

               

Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak. Ganoon naman ako ngayon. Iiyak na lang basta basta. Minsan nga hindi ko na alam kung mata ko pa ba ‘to. Hindi ko na kasi macontrol. Ginagawa lang kung anong gusto.      

“Cass?” Napabitaw kay Chee at pinunasan ‘yung mata ko nang tawagin ako ni Ate Rylee.

The Love ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon