Chapter 29: I miss my bestfriend

189K 4.9K 422
                                    

"Sino ngayong pipiliin mo?"

"Baliw ka ba? Ikaw ang nauna mag-aya kaya wala akong pipiliin sa dalawa. Ikaw ang kasama ko."

               

Napa-oh naman sya. Para kasing baliw lang. Papiliin ako sa dalawa kitang siya na nga 'tong kasama ko. Gusto pa ko pag-isipin.

               

"Ligtas ka sa ngayon. Pero darating ‘yung time na pipili ka rin."

***

Ayoko na! Ayoko na talaga! Nakakapagod kasama 'tong si Kate. Panay ikot sa mall wala namang binibili. Window shopping ba. Bwisit. Sakit na ng paa ko.

Sa sobrang inis, umupo ako sa katabi ng fountain at hinayaan siyang patuloy na maglakad. Kung alam ko lang papahirapan ako ngayon ni Kate ng ganito, sana pumili na lang ako kay Zac at Ry ng sasamahan. I always choose the wrong decision.

               

"Cass. Ano ba ‘yan. Tara na. Mamaya ka na umupo."

"No. Go if you want. I'm dead tired already."

               

Napanguso siya at tumabi sakin, "Kain na lang tayo?" Finally! Sa lahat ng suggestions niya ito ang the best. Food.

"Okay po. Bye."

"Sino ‘yun?" tanong ko sa kanya after niya ibaba ang phone.

"Tita ko. Babysitter ako today, friend. Hay nako. After natin kumain, gora na tayo ha?"

After namin kumain, naghiwalay na kami. Nagpaiwan ako sa mall kasi nakalimutan kong bumili ng requirement para sa isang subject. Ang tagal ko naglibot pero ngayon ko lang naalala.

Nagbabayad na ako sa may counter nang biglang may tumabi sa akin at umakbay, "Nahanap din kita sa wakas."

Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino yun. Boses palang niya kilalang kilala ko na. Sino ba naman ang makakalimot sa bestfriend niya? Wait. Siya, I guess?

Hindi ko siya pinansin at naglakad lang palabas. Ano ba 'tong inaarte ko?

"Bakit hindi ka nagrereply o sumasagot sa tawag ko? Kailangan ko pang tanungin si Ashley para malaman kung nasaan ka."

"Nakasilent phone ko. Nabasa ko message mo kanina, but nandito na ako sa mall so I decided not to text you back," I lied.

"Tara, kain tayo?"

"Kakakain ko lang."

"Nuod na lang tayo sine?"

"Hindi ko gusto ang mga showing ngayon."

"Laro na lang tayo?"

"Pagod ako."

"Anong gusto mong gawin?"

"Umuwi." Walang buhay kong sagot sa kanya. This time I wasn't lying. I'm tired. It's Kate's fault.

Tiningnan nya ako at parang nagpapaawa pa. Shit. Parang alam ko na kung saan bagsak nito.

               

"I missed my bestfriend. Can't we bond kahit ngayon lang?"

               

I want to tell him na kasalanan naman niya kung bakit niya ako namimiss. Busy kasi siya masyado sa bagong kaibigan niya at nakalimutan na niya ang nauna. Ohmygod. I'm being petty. Ano ba nangyayari sa akin? But no. Hindi 'to mababaw. Friendship na ang pinag-uusapan dito.

The Love ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon