Epilogue

274K 7.8K 1K
                                    

Mahaba ang pila sa labas ng classroom namin. Parang may rasyon ng bigas kung titingnan mo. Tinawag na ako ng kablock ko at pinaupo sa may harap.      

               

"Game."      

               

May lumapit at umupo sa harap ko na isang babaeng haggard na at mukhang hindi nakatulog ng tatlong linggo.      

               

"My boyfriend dumped me. Pinagpalit niya ako sa babaeng mukhang hipon. What should I do?" sabi niya with matching tears pa.    

"Forgive him kahit hindi pa siya nagsosorry and live life like you haven’t lived before."    

"Excuse me?"    

"Hindi ka sasaya kung ikukulong mo ang sarili mo sa nakaraan. Kapag natutunan mong magpatawad at makalimot, mararanasan mong sumaya ulit."      

Ito na naman ako. Giving advices to people I don't even know. This isn't my job. Pero nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Marami rin ang taong pinipilahan ako para hingan ng advice o magpatulong sa mga problema nila sa puso. Ako raw kasi si kupido at ang love doctor nila.    

Pero alam mo kung ano ang nakakatawa? Ako ang hingian ng advices ng mga tao pero noong panahong kailangan ko rin ng advice, hindi ko mabigyan ng advice ang sarili ko. Ironic, isn’t it?

Nagulat ako nang may naglapag ng bouquet sa lamesang nasa harap ko. "Go on a date with me," sabi ng lalaking nasa harap ko ngayon.      

Tinaasan ko sya ng kilay at ngumiti, "Ayoko," biro ko sa kanya.      

               

"I'm not asking for permission." Naglapag siya ng papel sa harap ko at umalis na.      

               

After this, let’s go on a date, okay? Diyan lang muna ako sa labas. I love you.      

               

Tiniklop ko ang papel at inilagay sa bag ko. Hindi na ako makapaghintay matapos ‘to at makadate ulit si Ry. Papatawag ko pa lang sana ‘yung kasunod na magtatanong nang bumalik siya.    

I gave him my sweetest smile. Lumapit siya sa akin, "I forgot something," at may ginawa siyang bagay na iniexpect ko na.    

               

He kissed me.      

               

"Later, Cass. I love you."    

               

Bago pa siya lumabas, I smiled at him, “I’ll see you later. And I love you too.”

           

The end.

The Love ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon