Chapter 41: Your smile

202K 5.6K 435
                                    

“Anong pinag-uusapan niyo?” bungad agad sa akin ni Ry nang makalapit ako.

Nagkibit balikat lang ako at tumabi sa kanya saka sumandal sa van, “Natulog ka ba?”

“Half an hour.”

“Ang iksi niyan. Dapat natulog ka pa.”

“That will do. Mahaba naman tulog ko kagabi. Ikaw ang dapat natulog kasi sasaglit ka lang natulog kagabi.”

“Pwede naman akong matulog habang nasa byahe.”

“Hindi mo naman ginagawa.”

“Paano kung ginagawa ko naman.”

 "You don’t. I’m checking you every ten minutes. Tulog na silang lahat, ikaw dilat pa.”

Fine. Guilty. Wala pala akong laban dito.

Ry and I talked for a while at nang makarating na ang iba, balik biyahe  na kami. Mukha namang okay siya. Or is he just hiding his sadness? Hindi ko magawang tanungin siya kung ano ang ayos nila ni Megan.  Baka kasi mamaya sensitive pa sa kanya ‘yung topic na ‘yun. I’ll just wait hanggang sa siya na ang kusang mag-open nu’n sa akin.

Nagising ako nang maramdaman ko ang pagmatay ng makina ng van. Nang idilat ko ang mata ko at ilibot ang paninginln ko, saka ko lang narealize na nasa tapat na pala kami ng bahay nila Sheena.

Bumaba siya at tinulungan siya ni Ry at Zac na magbuhat ng gamit niya pero hanggang sa gate lang nila ‘yun pinasok.

“Thank you, guys. I had fun. Sana maulit pa ‘to. Hindi pa ito ang last.”

“Hindi pa ito wag kang mag-alala.” Pag-aasure sa kanya ni Megan.

“Sige, paano ba ‘yan? Pasok na ko. Medyo masakit na ang katawan ko. Ingat na lang kayo. Bye, guys.”

               

After namin ihatid si Sheena, kila Megan naman kami sumunod since medyo magkalapit lang ang bahay nila. Unlike Sheena, wala siyang masyadong dala kasi nga may mga gamit naman siya sa bahay na ‘yun.

Nang makababa siya at nagpaalam na, sumunod naman kami sa bahay nila Zac. Sobrang relief lang sa part ko na mauuna si Zac bumaba kaysa kay Kate. Hindi dahil sa mas gusto kong kasama si Kate, pero dahil sa ayoko naman na magka-awkwardan na naman kaming tatlo. Parang sobrang torture sa akin na kasama si Ry at Zac sa iisang kotse, and worse kaming tatlo lang ang nandoon.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ni Zac, lumingon siya sa likod at saka tinanguan si Kate. Senyales ng pagpapaalam. Tumingin naman siya sa akin at parang sinasabi ng tingin niya na ‘pwede ba tayong mag-usap’. Napakunot ako ng noo. Ano kaya ang posibleng pag-usapan namin?

Bumaba na siya at nakita ko na huminto siya sa tapat ng gate nila at hinihintay ang paglabas ko.

               

“May naiwan ba siya? Bakit hindi pa siya pumapasok?” tanong ni Kate habang nakatingin sa nasa labas na si Zac.

               

Tiningnan ko si Ry. Nakatingin siya sa akin sa rear view mirror. “Teka lang,” paalam ko at saka lumabas.

Isasara ko pa lang sana ang pinto ng van pero napatigil ako.

“Cass,” tawag sa akin ni Ry.

“Bakit?”

The Love ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon