Chapter 18: Best cook in town

209K 5.6K 287
                                    

Nagpunta kaming mall nila Ry. Ipapasyal kasi namin si Chee. Hawak hawak kami ni Chee sa magkabila niyang kamay.

Habang naglalakad lakad kami may narinig akong dalawang nanay na nasa likod namin na pinag-uusapan kami.

"Ang bata bata namang magulang ng dalawang yun. Tingnan mo yung anak nila. Ang laki laki na. Bata nilang nagkaanak. Tsk tsk. Kawawa naman ang mga magulang ng batang yan."

"Oo nga. Ang bata pa nila. Kahit na maganda sila tingnang magkakasama, sana naghintay muna yung dalawang batang 'to bago gumawa ng bata. Aba'y parang nakababatang kapatid lang nila yun."

Sa mundo talaga hindi nawawala ang mga chismosa. Nakapagconclude agad. Hindi naman alam ang kwento pero kung magsalita akala mo alam lahat at akala mo perpekto.

Hindi ko na lang pinansin yung mga narinig ko. Bahala na lang silang pag-usapan ang buhay namin. Dun sila masaya e. Hindi naman nila ikakaunlad yan.

"Saan mo gusto pumunta, Chee?"

               

Huminto kami sa paglalakad at tumingin-tingin si Chee sa paligid. Bigla naman siyang ngumiti at tinuro ang Blue Magic.

               

"Please buy me a bear?" Lumapit sya kay Ry at hinila ‘yung laylayan ng damit niya.

"Sure. Tara."

               

Naniningin si Chee ng mga teddy bear sa loob. Mukhang tuwang tuwa sya sa nakikita niya at parang nahihirapan pang pumili. Kanina pa kasi siya ikot ng ikot. Tinitingnan lang namin siya ni Ry. Nakakatuwa kasi siyang panuorin.

               

"Tulungan ko muna ‘yun." Paalam ko kay Ry at nilapitan si Chee.

"Ma, what should I buy?"

"What do you like the most?"

               

Tiningnan na naman niya ‘yung mga teddy bear. Maya maya lang may tinuro na siyang teddy bear at kinuha ko na ‘yun. Hinanap ko si Ry at nakita kong nasa may counter na siya. Excited lang magbayad?

Nilapitan na namin siya ni Chee, "Papa. Ito po gusto ko."

"Wow. Ang cute naman nito. Sige. We'll take this."

"Where do you want to go next?"

"I'm hungry po. Let's eat."

               

Tulad nga ng gusto ni Chee, kumain kami. At matapos naming kumain, naglibot libot lang ulit kami. Nang makaramdam na kami parepareho ng pagod, napagpasyahan na naming umuwi. Five pm na rin noon.

               

"Palitan kita ng damit, Baby," sabi ko kay Chee at hinila siya papasok ng bahay.

Nang mapalitan ko na siya, pumunta kami sa may bakuran nila kasi nandoon si Ry at nakaupo lang. Lumapit naman ako at umupo sa tabi niya habang si Chee, nagpunta na sa may slide at naglaro na.

               

"Full charge na ulit siya."

Nagkwentuhan lang kami ni Ry ng mga bagay bagay. Binalikan lang namin ‘yung mga nangyari noong nakaraang buwan.

"Mama. Papa. Gutom na po ako." tumatakbong lumapit sa amin si Chee. Chineck ko naman ang relo ko. Napatagal ata kwentuhan namin. 6 na pala.

"Order na ko ng pagkain." tatayo na sana si Ry para tumawag pero pinigilan ko siya.

"Magluluto na lang ako."

"Nako. Baka sunugin mo lang kusina ni Ate."

"Marunong kaya ako."

"Masarap ka ba magluto? Baka mamaya pag-eexperimentan mo lang kami ni Chee."

"Ang bully mo! Bahala ka. ‘Wag kang kakain ng luto ko. Umorder ka ng pagkain mo."

               

Sinundan naman niya ako kasama si Chee na tumatawa, "Uy Cass. Ayokong magutom. Pakainin mo ko."

               

"Bumili ka ng pagkain mo!"

"Hassle. Pahingi na lang ng lulutuin mo."

"Wala ka namang tiwala sa luto ko kaya wag kang kumain."

"Joke lang yun. Ikaw kaya ang best cook in town."

"He! Wag mo kong dinadaan sa bola mo."

"Joke lang kasi. Basta naniniwala akong masarap luto mo. Promise."

               

Inirapan ko naman si Ry at kumuha ng gulay sa ref, "Hiwain mo ‘yan."

Nagluto kami ni Ry habang nanunuod sa amin si Chee at nang natapos na kami at kumain na, nasarapan naman silang dalawa. Matapos kumain, inurong ko na ‘yung mga pinagkainan namin.

               

"Pwede ng mag-asawa." Napalingon ako kay Ry na nakasandal lang sa may gilid at pinapanuod akong maghugas.

"Asa pa. Parang di mo ko kilala."

"Sabi ko nga.”

"Asan si Chee? Bakit iniwan mo?"

"Naglalaro lang doon."

"Baliw talaga 'to. Dapat hindi mo iniwan."

Pinuntahan ko si Chee sa kwarto niya. Naglalaro nga lang siya ng doll house. Maya-maya lang ay napansin ko ng naghihikab siya.

               

"Inaantok ka na?" Tumingin lang siya sa akin at kumurap kurap. Parang nagpipigil mapikit ng tuluyan. "Tara na. Linisan na kita para makatulog ka na."

               

Nilinisan ko na siya tulad ng bilin ni Ate Rylee. Pinahiga ko na si Chee sa kama. Bigla namang dumating si Ry na may dala dala ng gatas ni Chee.

               

"Timing pala ako."

Inayos ko ‘yung kumot ni Chee at humiga sa tabi niya saka siya tinapik tapik. Nakatulog din naman siya agad matapos ‘yun. Dahan dahan akong tumayo sa kama niya at pinatay ang ilaw saka lumabas.

Nakaupo lang si Ry sa sofa at nanunuod. Napatingin siya sa akin nang mapansin na papalapit ako. "Tulog na?"

“Oo.”

"Napagod ka?" tanong ulit niya.

"Slight." Lumapit ako sa kanya at hiniga ang ulo ko sa shoulder niya.

"Inaantok ka na ba?"

"Slight." Inakbayan niya ako at hinawakan ‘yung buhok ko. He's caressing my hair kayo lalo akong inantok.           "Pwedeng matulog muna?"

"Oo, sige. Tabi ka muna kay Chee. O kaya sa guest room ka muna."

"Antok na antok na ko. Dito na lang."

"Ano ba yan. Kulit talaga nitong bestfriend ko. Sige na. Dito na lang. Goodnight Cass."

And I drift to sleep.

The Love ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon