Chapter 23: Nice seeing you again

205K 5K 128
                                    

Isang linggo na ang nakalipas magbuhat ng nagfieldtrip kami. Ang saya ng trip na ‘yun. Wala namang espesyal na nangyari. Wala namang magandang napuntahan. Siguro nakadepende lang talaga sa kasama ko kaya nag-enjoy ako ng sobra.

"Cass, nasa labas ng room si Zac."

"H’wag mo papasukin. Hayaan mo siya dyan!" sigaw ko sa kaklase ko.

"Ayos ha. Dalawang linggo tayong hindi nagkita tapos gaganyanin mo ko. It hurts you know."

Sapatusin ko pa 'tong lalaking 'to. May 'it hurts you know' pang nalalaman.

Hindi ko siya pinansin at humarap lang kay Kate at Sheena na parehong nakatingin at nagtataka sa akin. Kaya lang makulit ang lahi ng Zac na 'to kaya humila siya ng isang upuan at tumabi sa akin.

               

"Uy." Kinakalabit niya ako pero hindi ko siya pinapansin. "Uy. Galit ka?" Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Sa may bintana lang ako nakatingin.

"Medyo awkward. Walk out muna kami ni Kate."

"Nice idea, Sheena. Tara. Hayaan nating magLQ ‘yung dalawa."

Sinamaan ko ng tingin yung dalawa kaya mas lalo nilang binilisan ang pag-alis. Napabuntong hininga naman si Zac at umupo sa harap ko. Sa inuupuan kanina ni Kate.

               

"Galit ka ba?"

               

Galit ba ko? Hindi, pero naiinis ako. Nakakainis lang kasi na after one week ng walang paramdam bigla na lang siyang susulpot sa harap ko na akala mo hindi siya nawala. Biglang umalis at biglang bumalik?

               

"Cass. Sorry na. Sorry na kasi hindi ako nagparamdam."

"Cass. Bati na tayo please?"

               

Hindi ko siya pinapansin at di ko pa rin siya tinitingnan. Pero nang hinawakan niya ‘yung kamay ko at lumuhod sa harap ko, agad na akong napatingin sa kanya.

               

"Ano ka ba. Tumayo ka nga dyan."

"Patawarin mo na kasi ako."

"Zac, OA na. Tumayo ka na. Pinagtitinginan na tayo ng mga kaklase ko."

"Ayoko."

"I swear hindi kita papatawarin kahit kailan kung hindi ka tatayo diyan."

Agad agad naman siyang tumayo pero hindi pa rin niya binibitawan ‘yung kamay ko. "Bati na tayo please?" Napabuntong hininga ako at tumango saka hinila ang kamay ko. Ano pa nga bang magagawa ko? Kaibigan ko kasi. Malamang papatawarin ko.

Ngumiti siya at saka ako niyakap saka bumulong, "I missed you."

Kumalas siya sa yakap pero nakangiti pa rin siya sa akin.

"Bakit ka nawala?" Nawala yung ngiti sa mukha niya nang itanong ko ‘yun.

"Nagpunta ako sa States."

"What?!"

"Kaya hindi ako nakapagparamdam maski sa text. Saglit lang ako doon kaya maski pagbukas ng mga social networking sites hindi ko ginawa. Hindi na rin kita tinawagan since isang linggo lang naman. Akala ko hindi ka magagalit."

The Love ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon